Dina inisip na katapusan na niya nang magka-COVID: ‘I cannot walk, nanginginig buong legs ko… what’s happening to me?’

Dina inisip na katapusan na niya nang magka-COVID: 'I cannot walk, nanginginig buong legs ko... what’s happening to me?'

Maricel Soriano at Dina Bonnevie

FEELING ng award-winning veteran actress na si Dina Bonnevie ay katapusan na ng kanyang buhay nang tamaan siya ng COVID-19 noong panahong nakapasok na ang Delta variant sa Pilipinas.

Inalala ni Dina ang naging karanasan niya nang magpositibo siya sa COVID-19 noong 2021, talaga raw naramdaman niya nu’ng panahon na yun, na parang kukunin na siya ni Lord.

Ibinahagi ni Ms. D ang kanyang COVID-19 journey sa latest YouTube vlog ng kaibigan at ka-batch niya sa showbiz na si Diamond Star Maricel Soriano.


“Ako, grabe, 10 days! Naka-lock-in taping ako sa Shangri-La nu’n tapos pinalabas kami one week lang.

“Paglabas ko, umakyat ako ng Baguio, kasi bumili ako ng mga tela-tela kasi nga I supply Kultura with Ilocos fabrics.

“Umalis lang ako sandali, pagbalik ko, nanghihina na ako. Sabi ng stepdaughter ko, ‘Tita, baka you’re just tired,’” simulang pagbabahagi ni Dina.

Kinabukasan daw ay kailangan niyang magpa-antigen test pero hindi na raw siya makatayo nang papunta na siya ng banyo. Dito na niya tinawagan ang asawang si Ilocos Sur Rep. Deogracias Victor “DV” Savellano.

Sabi niya, “I can’t get up, I cannot walk. Nanginginig yung buong legs ko, what’s happening to me?”

Baka Bet Mo: Alex bugbog uli sa fans matapos mabuking na nagalit kay Nadine dahil mas nauuna pang umiyak sa kanya sa eksena

Ang sabi sa kanya ng kongresista ay pumunta agad sa Congress para doon magpa-COVID test, “So, tumakbo na kami sa Congress. It’s positive.

“So, nu’ng positive, alam mo ba na I waited outside the hospital? Di, positive ako, umaga yun. Sabi ng doktor, ‘Umuwi ka muna, we’ll call you,’ ganyan-ganyan.


“With all the dialogue ng asawa ko na, ‘I don’t want my wife to die, do the best,’ ‘I know there’s a lot of patients, but I cannot afford to lose my wife,’ ‘Please take care of her,’ siyempre isipin mo, ‘Ay, congressman, may pull ito.’”

Ito yung mga oras na hindi pa rin siya na-admit sa ospital dahil punumpuno ito ng pasyente, “Hintay ako sa bahay ng mga 6 o’clock. Sabi ko, ‘Parang hindi ko na kaya, parang I cannot breathe.’”

Ang ginawa ng aktres, kinuha muna  niya ang oxygen tank ng tatay niya para makahinga nang maayos, “Do you know that I waited in the garahe of the hospital from six in the evening, pumasok ako quarter to 1 ng madaling-araw sa room?

“Kasi ganu’n kadaming pasyente, walang paglalagyan sa yo. At walang gustong mag-nurse sa akin,” pagbabahagi pa ni Ms D.

Tanong ni Maricel sa kanya, “Ba’t ganu’n?” Sagot ni Dina, “E, kasi ang suspetsa nila, Delta. Kasi pala if you’re an A-positive blood, alam mo naman ang lola mo, may dugong banyaga.”

“Ten days, coughing out blood. Akala ko, it’s the end. Du’n na yung nagpa-flashback yung mga kasama ko sa showbiz,” pag-amin ni Dina.

Aniya, kung iyon na raw ang oras niya, sana raw ay bigyan siya ng chance na makahingi ng tawad, “’Lord, meron ba akong kailangan patawarin? Kung kukunin mo na ako Lord, give me time to say sorry, offer me to forgive them.’”

Pero sa kabutihang-palad nalagpasan nga ni Dina ang napakatinding pagsubok na pinagdaanan niya, “Kaya, to Him be the glory.”

Kier Legaspi 7 taon hindi gumawa ng pelikula; binigyan uli ng pagkakataon ng Viva

Dina Bonnevie dinipensahan ng netizens laban kay Alex Gonzaga: ‘Own up to your mistake’

Read more...