Allowance ng mga guro sa darating na barangay, SK elections tataasan – Comelec 

Sir ervin, may sinend po ako sa inyong isa pang cristy fermin. Kay nadine lustre naman po yung topic niya

INQUIRER file photo

BALAK taasan ng Commission on Elections (Comelec) ang binibigay na allowance sa mga gurong magsisilbing “electoral boards” sa darating na eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan.

Ayon kay Comelec chair George Garcia, makakatanggap ng P10,000, P9,000, and P8,000 ang electoral board members, mas mataas isa nakasaad sa batas na P6,000, P5,000, at P4,000.

“Dapat ang honoraria po kasi ng ating mga electoral board members for the barangay and SK ay talagang P6,000, P5,000, and P4,000 lang. Ganoon po kaliit sapagkat ‘yon po ang nakalagay sa patakaran,” sey ni Garcia sa isang press conference.

Dagdag niya, “Subalit gagawan po ng paraan Commission on Elections, gagawin po namin base sa aming savings o kung ano mang matitira sa’min, gagawing P10,000, P9,000, P8,000.”

“Ipaparehas na natin sa natatanggap ng mga guro sa automated elections,” aniya.

Bukod diyan, nabanggit ni Garcia na kasalukuyan ding pinag-aaralan ng Comelec ang mungkahi ni Vice President Sara Duterte na ibigay nang mas maaga ang allowance ng mga guro na may poll duty.

“Pinag-aaralan na po ng Executive Director natin at Executive Director of Operations, kaya lang po meron tayong masamang karanasan diyan, ginawa na po noong 2004 ng Comelec – ‘yung magbigay ng advance,” saad ni Garcia.

“May mga ilan na hindi na nag-report either tinakot, natakot, whatever reason hindi nag-report,” ani ng Comelec chair.

Samantala, naglabas na ng calendar of activities ang Comelec para sa darating na eleksyon.

Makikita sa kanilang Facebook post na magsisimula ang pag-file ng certificate of candidacy sa August 28 at matatapos ‘yan ng September 2.

Ipatutupad naman ang gun ban sa simula August 28 hanggang November 14.

Ang liquor ban ay mula October 29 hanggang 30.

Habang ang araw ng botohan ay magaganap sa October 30 simula 7 a.m. hanggang 3 p.m.

Read more:

Cristy Fermin sa pagrereklamo ni Frankie sa resulta ng eleksyon: Walang utang na loob ang batang to!

Read more...