INAMIN ni Kira Balinger na si Liza Soberano ang idolo niya na kaya pati ang pagpunta sa Hollywood ay ito rin ang nasabi niya sa nakaraang storycon ng “Maple Leaf Dreams.”
Ang paliwanag ni Kira ay noong nasa UK pa sila ay pangarap na talaga niyang mapasok ang Hollywood at libre naman daw mangarap at ngayong gumagawa na siya ng pangalan sa showbiz ay nandoon pa rin ang dream niya.
Going back to Liza ay nagustuhan siya ni Kira dahil, “I’ve been always vocal na siya po talaga ang idol ko and I believe she’s very hardworking person. This is just my own opinion, I like how she acts, I like what her eyes looks like when she’s feeling the emotion.”
At ang pinaka-tumatatak para kay Kira na teleserye ni Liza ay ang unang lead role nila ng boyfriend niyang si Enrique Gil.
“‘Forevermore (2014),’ diyan ko po talaga na-feel ‘yung sobrang genuine niya na taga-Benguet siya picking strawberries and everything. She was so adorable with her role,” masayang sabi ni Kira.
Aminadong na-starstruck pa siya sa aktres.
“First time, my goodness. Sa hallway po ng A.S.A.P. Sobrang hindi ko po in-expect, hindi ko alam na she was there that day siyempre. A.S.A.P. starting pa lang po ako nu’n, so, nasalubong ko siya sa hallway, na-star struck ako and I cried, I cried and always remember that moment na, my God, na-meet ko siya,” may kilig na alaala ng dalaga.
Baka Bet Mo: Benedict Mique ibabandera ang iba’t ibang kapalaran ng mga OFW sa Canada; walang balak manirahan sa ibang bansa
Nabanggit na may hawig si Kira kay Liza.
“Wow, thank you, isang karangalan. I don’t really think too much that I’m pretty. Thank you. If you don’t, thank you, and I’m happy with myself,” sambit nito.
Pero nagkaiba ng dream role sina Kira at Liza dahil ang huli ay ‘Darna’ ni Mars Ravelo na hindi lang natuloy dahil nagka-injury samantalang ang una ay ‘Dyesebel’ na ginamapanan ni Anne Curtis noong 2014 sa ABS-CBN.
Aniya, “’Dyesebel.’ I love so much, it doesn’t look like, since hindi ako nakakapunta ng beach masyado. But I really do and dream to be a mermaid one day.”
Speaking of the movie “Maple Leaf Dreams” to be directed by Benedict Mique ay excited si Kira dahil lead role sila ng kaibigan niyang si LA Santos na iso-shoot sa Toronto, Canada sa Mayo.
Gagampanan ng dalawa ang karakter na Molly at Macky na nag-try ng kanilang luck sa Canada by applying student visa at para matustusan ang pag-aaral nila ay kailangan nilang mag-trabaho.
Dadaan sila sa immersion muna dito sa Pilipinas para masanay sa trabaho para pagdating sa Canada ay sanay na at wala ng gulatan.
Base sa kwento sa amin ni direk Benedict ay ipapasok niya sa negosyo nilang junkshop ang dalawa.
Hmm, ano kaya gagawin nina Kira at LA, ihihiwalay ang mga bakal, tanso, bote, plastic, karton, takip ng bote at mga papel saka ititimbang? Mukhang dungis-dungisan ang dating ng dalawa.
Anyway, ang “Maple Leaf Dreams” ay produced ng Lonewolf Films in cooperation with JRB Creatives at Star Magic.
Related Chika:
Kelvin Miranda, Kira Balinger in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram matapos ang isyu ng ‘cheating’