PAGASA may bagong instrumento upang ma-monitor ang dami ng ulan

PAGASA may bagong instrumento upang ma-monitor ang dami ng ulan

KASABAY ng pagdiriwang ng National Meteorological Day, inilunsad ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagong instrumento na nagmo-monitor ng dami ng ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ito ang tinatawag nilang “Satellite Rainfall Extremes Monitor” o SatREx, isang web-based platform na accessible sa publiko at makikita sa official website ng weather bureau.

“Ito pong SatREx ay isang tool na pwede nating magamit for guidance where in near-real-time po ay na-observe ang pag-ulan anywhere in our country,” paliwanag ni Dr. Marcelino Villafuerte II, ang chief of impact assessment and applications section ng PAGASA’s Climatology and Agrometeorology Division.

Ayon din sa PAGASA, nagsisilbi itong tracker ng mga pag-ulan sa bansa sa mga nakalipas na oras.

“SatREx provides satellite rainfall estimates observed in the past few hours and days at a particular location anywhere in the country,” saad sa isang Facebook post.

Lahad pa, “Multiple interactive maps allow users to determine how much rainfall is received over an area, with color-coded shadings indicating potential flood occurrence. (Data derived from Global Satellite Mapping of Precipitation (GSMaP) provided by the Japan Aerospace Exploration Agency).”

Nilinaw rin ng ahensya na “in progress” pa rin ang instrumento at kasalukuyan pa ring nilang inaayos upang magawa rin nitong makuha ang forecast ng darating na mga pag-ulan.

Sa ngayon raw ay lubos na makakatulong ang nasabing web-based platform upang makita kaagad ang mga lugar na posibleng bahain sa tuwing may ulan.

“We translated information from that dataset, we extracted them, and used them for providing near-real-time rainfall estimates,” sey ni Dr. Villafuerte sa naganap na presscon nitong March 23.

Dagdag pa niya, “We translate such kinds of observed rainfall relative to historical rainfall data and determine areas with possibility of flooding,” dagdag niya.

Read more:

Tag-init na panahon nagsimula na, inaasahang tatagal hanggang May –PAGASA

Read more...