Nikko Natividad napikon, na-bad trip sa mga katrabaho sa ‘Working Boys 2’: ‘Sa isip ko pinagsusuntok ko na sila, tinataob ko na ang mesa’

Nikko Natividad napikon, na-bad trip sa mga katrabaho sa 'Working Boys 2': 'Sa isip ko pinagsusuntok ko na sila, tinataob ko na ang mesa'

Nikko Natividad, Wilbert Ross, Mikoy Morales, Vitto Marquez at Andrew Muhlach

NAPIKON, nagalit at na-bad trip nang bonggang-bongga ang miyembro ng grupong Hashtag na si Nikko Natividad nang mabiktima ng nakakalokang prank habang nasa shooting.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! It’s a prank! And this time ay si Nikko nga ang victim ng mismong mga co-stars niya sa pelikulang “Working Boys 2” ng Viva Films.

Pinagkaisahan siya nina Mikoy Morales, Wilbert Ross, Andrew Muhlach at Vitto Marquez habang ginagawa nila ang kanilang pelikula, ang part 2 nga ng “Working Boys” na pinagbidahan noon ng iconic trio na Tito, Vic & Joey.

Sabi ni Nikko, doon niya napatunayan na mahaba rin ang kanyang pasensiya dahil nagawa pa niyang tiisin ang kunwaring pambu-bully ng mga kaibigan at katrabaho dahil ang tagal pa raw bago siya napuno at nagalit nang bonggang-bongga sa nangyari.


Sabi pa ng aktor, napakagaling na mga artista ng mga nag-prank sa kanya dahil napaniwala siya ng mga ito sa mga pinaggagawa sa kanya. Sa katunayan, ito na raw ang pinakamatindi at pangmalakasang prank na ginawa sa kanya.

Sa pelikula kasing “Working Boys 2” ay inihabol lang siya sa cast dahil kakapirma pa lang niya that time ng kontrata sa Viva Films.

Ginawang isyu ng mga kasama niya sa pelikula ang pagkakaroon niya lagi ng “plus one” sa shooting (personal driver) samantalang sila ay wala.

Ayon sa mga co-stars niya, masyado naman daw siyang pa-VIP at pa-star. Depensa naman ni Nikko, galing daw kasi siya sa isang commitment kaya meron siyang driver.

“Nasabi ko talaga na ang bababa kasi ng followers n’yo (sa social media). Yun pala tumatawa na sila kapag nakatalikod ako.


“Ang tagal po kasi ng prank na ‘yun. Nagsumbong na ako sa manager ko (sa Viva), pero kasabwat pala sila. Napikon po talaga ako pero doon ko napatunayan na mahaba pala ang pasensya ko.

“Sa isip ko kasi pinagsusuntok ko na sila, tinataob ko na ang mesa kasi pinagtutulungan nga nila ako, pero nang i-reveal nila na prank lang ito, totoo pala ‘yung mga prank na hindi siya magsi-sink in.

“Niyayakap na nila ako hindi pa rin ako kumikibo, parang galit pa rin ako,” chika ng aktor at celebrity dad.

Baka Bet Mo: Nikko Natividad umamin: Naging greedy ako, naghangad ng maraming pera

Feeling daw ni Nikko, kinalimutan na nina Wilbert at Vitto ang magandang pinagsamahan nila sa Hashtags. Aniya, para raw nag-transfer siya sa ibang school at nabiktima ng mga bully.

Anyway, ano nga kaya ang mangyayari kapag nagsama-sama ang mga tamad at batugang mga binata na kailangang harapin ang hirap at reyalidad ng buhay?

Kilalanin ang limang lalaking iba’t iba ang trip sa buhay sa “Working Boys 2: Choose Your Papa” — sina Biboy (Wilbert Ross), Mccoy (Mikoy Morales), Roy (Vitto Marquez), Nikki (Nikko Natividad), at Max (Andrew Muhlach).

Sila ay mga certified tamad at walang direksyon kung anong gusto nilang marating sa buhay. Sa kagustuhan nila ng pagbabago, maghahanap sila ng trabaho pero mauuwi rin ito sa bulilyaso na magdadala ng mga bagong problema at ng bagong kaaway, si BJ (Bob Jbeili).

Kahit na madalas ay nagkakamali sa maraming bagay, may “never say die” attitude ang magkakaibigan at hindi magdadalawang isip na gawin ang kahit na ano para sa kaibigan at pamilya.

Magtutulungan silang lima at makakaisip at makakagawa ng plano na pwedeng magbago ng buhay nila. Dito na papasok ang bagong app na maiimbenta nila – ang PAPA APPS. Ito na ba ang bagong simula at breakthrough na hinihintay nilang lahat?

Mag-ready sa isang roller coaster ride na adventure. Samahan sila sa bawat ups, downs at saya ng buhay, at panoorin ang limang binatilyong ito na maging ganap na mga lalaki.

Ang comedy movie na ito ay base sa1985 movie na pinagbidahan ng tatlong certified pillars ng Filipino comedy industry, ang iconic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon.

Kasama rin sa movie ang “bayani” ng Pinoy Comedy na si Bayani Agbayani, at sina Angela Morena, Debbie Garcia, Lea Jane, Angelic Guzman, Divine Aucina, Marissa Sanchez, at Juliana Parizcova Segovia.

Mula sa Viva Films, ang “Working Boys 2: Choose Your Papa” ay mula sa direksyon ni Paolo O’Hara at ang una niyang full-length mainstream movie. Showing na ito sa mga sinehan ngayong March 29.

Ronnie Liang napikon nang alukin at piliting gumawa ng porn movies: Nakakahiya!

LGBTQ members na-bad trip nang makitang magkasama sina Pacquiao at BB sa US

Read more...