Klea Pineda umamin na: ‘I’m gay! Ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko!’

Klea Pineda umamin na: 'I'm gay! Ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko!'

Klea Pineda

SA pagdiriwang ng Kapuso actress na si Klea Pineda ng kanyang 24th birthday, ibinandera na niya sa buong universe ang tunay niyang pagkatao.

Inamin ng “StarStruck Season 6″ Ultimate Female Survivor na isa siyang “gay” ngayong araw, March 19, na mismong araw ng kanyang kaarawan.

Ayon kay Klea, hindi naging madali para sa kanya ang lumantad sa publiko at aminin na miyembro siya ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, trans, queer, intersex, asexual +) community.

Ngunit aniya, ito na ang tamang panahon para ipagsigawan sa lahat kung sino talaga siya at kung ano ang kanyang gender preference.


“May something inside of me na napi-feel ko talaga na kailangan for me. Ako naman,” ang pag-amin ni Klea sa interview ng “24 Oras” sa GMA 7.

Pag-amin pa ni Klea, ilang beses na siyang nagplanong ipaalam sa lahat kung sino talaga siya pero hindi natutuloy dahil natatakot na baka  maapektuhan ang kanyang showbiz career.

“Yung takot andidiyan siya parati, pero mas nangingibabaw yung excitement. For the longest time, parang nagbi-base ako sa mga tao kung sino talaga ako.

“Parang ito yung masasabi ko na sa akin, na ako. Ako to. And I’m proud na eto ako,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Klea Pineda inatake ng depresyon dahil sa body shaming: Humahanap sila ng butas para hilain ka pababa

Sa kanyang Facebook account, ipinagsigawan din ni Klea ang kanyang tunay na pagkatao kalakip ang ilan niyang litrato.

“My 24th birthday is extra special since I finally mustered up the courage to come out to the world as my true authentic self. Masasabi ko na ito na ang pinakamatapang na desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. I want the world to know that I am a proud member of the LGBTQIA+ community.

“I know not everyone will understand and appreciate this decision. But throughout the years, I’ve learned to prioritize the things that give joy and meaning to my life, and revealing my sexuality to the world is a huge part of it.


“By doing this, I hope to inspire and empower others who are still struggling to come into terms with their sexuality. Alam ko mahirap at nakakatakot, but please know na walang mali sa atin at walang kulang sa atin kahit pa magpakatotoo tayo.

“Marami man ang manghusga, mas marami pa rin ang tatanggap at magmamahal sa’yo nang buong-buo. Just be the person that your younger self would be proud of!

“My sexuality is just one aspect of my life and it won’t stop me from chasing after my dreams. I am still the same Klea that you loved and supported throughout the years. The only difference now is I can proudly say that I’m gay!

“From now on, I want to live my life fearlessly. Sana samahan nyo ako sa paggawa ng sarili kong kwento na alam kong tunay na magpapasaya sa akin.

“Let’s spread love and empowerment, everyone!  And always remember, #LoveIsLove!” ang kabuuang post ni Klea sa FB.

Aiko emosyonal sa 24th birthday ni Andre: In my heart and in my eyes you will always be my Baby Bubut…

Beatrice Gomez sinabihang huwag umamin sa tunay na pagkatao nang sumali sa isang beauty pageant

Read more...