Bretman Rock gustung-gusto nang bumalik uli ng Pinas: ‘I miss being home…take me back now!’

Bretman Rock gustung-gusto nang bumalik uli ng Pinas: ‘I miss being home…take me back now!’

PHOTO: Instagram/@bretmanrock

TILA naho-home sick na agad ang Filipino-American YouTube star at beauty influencer na si Bretman Rock ilang linggo matapos bumisita dito sa ating bansa.

Sa kanyang latest post sa Instagram ay ibinandera niya ang ilang pictures na nagbakasyon sa isang isla at enjoy na enjoy ang mala-boodle na pagkain.

Ayon sa kanyang IG post, miss na miss na niya ang Pilipinas at nais daw niyang bumalik ulit.

“vacay vacay rin pag my tyme [island emojis] girl I miss being home in the Philippines already.. take me back [sad face emoji] NEOW,” caption niya.

Nitong buwan lamang ay umuwi si Bretman sa bansa para sa kanyang two-day book signing event sa Pasay City.

Ibinahagi pa nga niya sa social media ang ilang masasayang eksena kasama ang fans ng nasabing event.

Baka Bet Mo: Pangako ni Bretman Rock sa Pinoy fans: ‘I’ll always be myself, I’ll always be gay as hell and Filipino as hell!

Naging emosyonal pa nga siya sa kanyang post at lubos na pinasalamatan ang bansa dahil ito ang nagpabago ng kanyang buhay.

Noong February 14 nang inilabas ni Bretman ang isinulat niyang libro na tungkol sa kanyang makulay na buhay.

Pinamagatan itong “You’re That Bitch & Other Cute Lessons About Being Unapologetically Yourself” at nilalaman nito ang kanyang mga essay, pati na rin ang kanyang never-before-seen photos.

Isinalaysay din sa memoir ang kanyang naging buhay sa Pilipinas noong siya’y bata pa hanggang sa lumipat sa Amerika upang manirahan.

Noong nakaraang taon ay kabilang si Bretman sa Top 50 creators ng sikat na American business magazine na Forbes.

Related chika:

Pinoy internet star Bretman Rock may ‘alay’ sa lahat ng batang beki sa Pinas

Read more...