Raul Dillo a.k.a Pinoy Frankeinstein humingi ng tulong kay Coco Martin

 Raul Dillo a.k.a Pinoy Frankeinstein humingi ng tulong kay Coco Martin
NANAWAGAN ang dating aktor na si Raul Dillo na kilala sa tawag na “Kapre” sa Kapamilya actor and director na si Coco Martin na sana’y mabigyan siya ng trabaho.

Sa pamamagitan ng isang video ay nagbigay mensahe ang aktor kung maaari ba siyang makapasok sa teleserye nitong “FPJ’s Batang Quiapo” para muling magkaroon ng hanapbuhay.

“Ako po sana ay humihingi ng kaunting atensyon at pananawagan kay Idol Direk Coco Martin. Hello po, idol. Ako po ay isa rin ninyong masugid na tagasubaybay. Mula pa lang po noong Probinsyano lalo na po ngayon sa Batang Quiapo,” saad ni Raul.

Pagpapatuloy niya, “Idol, ako rin po ay isa sa mga nangangarap na maging bahagi ng inyong napakagandang programa sa telebisyon, ang Batang Quiapo. Kaya ako po sana ay humihingi ng kaunting tulong, na sana ay tulungan n’yo po ako. Gusto ko po sanang makabalik sa entertainment [industry]. Matagal na po akong hindi nakakaganap sa mga teleserye at movies.”

Nagkaroon raw kasi ng sakit si Raul kaya nahinto ito sa pagtitinda ng mga pagkain tulad ng lugaw, pansit, tinapa, balot, at gulay na siyang kanyang naging hanapbuhay matapos ang pagsho-showbiz.

“Ako po direk ay sa ngayon ay wala po akong hanapbuhay. Nagkasakit po kasi ako. Mula nang nagkasakit ako ay natigil rin po ang aking kaunting kabuhayan na pinagkukunan ng [panggastos]. Nagtitinda [ako noon] ng lugaw, pansit, at nagtinda rin po ako ng tinapa, longganisa, balot, gulay,” kwento ni Raul.

Baka Bet Mo: Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Bukod rito ay nakuha rin ang motor ni Raul na kanyang gamit noon dahil hindi na siya makapaghulog ng bayad buhat nang magkaroon ng karamdaman kaya mas nawalan siya ng hanapbuhay.

“Direk, sana po ako ay inyong mapansin. Ako po ay humihingi talaga ng tulong at sana tulungan n’yo po ako na magkaroon sana ako ng panimula para sa aking pamilya… na umaasa sa akin.

“Ako po sy nalulungkot sapagkat hindi ko na po nasusuportahan ang pangangailangan ng aking pamilya,” pagpapatuloy ni Raul.

Sinabi rin niya na nanganganib silang pamilya na mawalan ng tirahan dahil pinapalayas na sila ng inuupahan. Hindi na kasi sila makapagbayad ng renta kaya naman labis ang kanyang nadaramang awa sa sarili at sa pamilya.

Hiling ni Raul na sana ay makarating ang kanyang mensahe sa Kapamilya actor at mabigyan siya ng pagkakataong makapag-provide sa kanyang pamilya.

Agad ngang nag-viral ang naturang video ng kanyang paghingi ng tulong kay Coco na kilala rin sa pagtulong nito sa mga artistang matagal nang wala sa limelight sa pamamagitan ng pagkuha nito sa kanyang teleserye.

Nakilala noon si Raul sa pagganap nito bilang kapre, isangmythical creature sa mitolohiyang Pilipino, sa mga pelikula gaya ng “Code Name: Bomba” noong 1998, “Super Inday and the Golden Bibe” noong 2010, at “Spirit Warriors” noong 2000. Nakilala rin ito bilang “Pinoy Frankeinstein”.

Related Chika:
Coco naiinggit sa mga K-drama kaya mas lalong ginagalingan ang trabaho: ‘Kayang-kaya ring gawin yan na mga Filipino!’

Coco hirap na hirap mag-shooting sa US: Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ‘yung mga crew doon

Read more...