69% ng ‘unvaccinated’ Filipinos hindi pa rin bet ang COVID-19 vaccine –SWS

Balita featured image

MAHIGIT tatlong taon na mula nang matuklasan ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa, maraming Pilipino pa rin ang ayaw magpabakuna laban sa virus.

Nagsagawa ng survey ang Social Weather Stations (SWS) noong December 10 hanggang 14 sa 1,200 respondents.

At nakita nga riyan na 87% o halos 63 million ng Pilipino ay bakunado na laban sa nabanggit na sakit, habang ang natitirang 13% ay hindi pa natuturukan.

Ayon sa SWS, 69% ng mga unvaccinated Pinoys ang tutol pa ring magpaturok.

12% naman ang handang magpabakuna, habang 19% ang undecided.

Bukod diyan siyempre nagkaroon din ng booster update sa survey na kung saan ay 44% ang hindi payag sa booster shots, habang 32% ang gustong kumuha nito.

Nakita rin na mas maraming Pilipino ang “willing” na magpabakuna ng second booster shot kumpara doon sa mga gusto pa ng ikatlong booster shot.

Nauna nang ibinunyag ng Department of Health (DOH) sa publiko na posibleng umabot sa 50 million doses ang masayang na mga bakuna sa katapusan ng Marso.

Ayon pa sa ahensya, pupwede pang tumaas ang bilang nito dulot ng vaccine hesitancy.

Base sa latest data ng DOH, tinatayang nasa mahigit 79 million na mga Pinoy ang fully vaccinated laban sa COVID-19, ngunit nasa mahigit 24 million lamang ang may booster shot.

Read more:

50% ng Pinoy ‘basted’, 33% nakararanas ng ‘one-sided’ love – SWS

Read more...