Yassi Pressman sa ‘viral’ bikini video: Hindi ko naman po tinatanggal lahat ng damit

Yassi Pressman sa ‘viral’ bikini video: Hindi ko naman po tinatanggal lahat ng damit

PHOTO: Instagram/@yassipressman

MAGING proud sa sarili at sa katawan!

‘Yan ang naging pahayag ng aktres na si Yassi Pressman matapos mag-viral ang video na nagsasayaw habang nakasuot ng tila mahalay na two-piece bikini sa social media.

Sey ng aktres nang tanungin siya sa isang media gathering upang i-promote ang bagong proyekto, “Whatever shape you may have at the moment, you should be proud of yourself and your body.”

“I’ve always been open as well about my journey with my body and I’ve shown you all my stages,” dagdag pa niya.

“Just keep doing what you do,” advice pa niya sa kanyang followers.

@pressmanyassi ✈️✨ #fyp #players #yassipressman ♬ Players – DJ Smallz 732 – Jersey Club Remix – Coi Leray

Kasabay niyan ay inaalala pa niya ang mga panahon na naaapektuhan pa siya sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya.

Pero ngayon daw ay tila wala na siyang pakielam basta’t nag-eenjoy siya sa kanyang mga ginagawa.

“Dati po kasi natatakot ako palagi to show how I really am, in fear of judgement o baka may masabi o maisip ang mga tao pero ngayon sinasabi ko, ‘eto ako, this is me, with all my flaws and imperfections, kayo na bahala, basta ako, i’m just being me’ and with my openness at least now, if they laugh, they laugh with me and not at me,” kwento niya.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman sa viral ‘toxic plant’ photoshoot: OK po ako at safe po ako!

Sabi pa ni Yassi, wala namang mali kung nagsusuot ng swimsuit ang mga babae.

“Hindi naman po ako nagtanggal ng lahat ng damit, di ko naman po yun gagawin,” saad ng aktres.

“Nakaswimsuit lang, baka lang po nagulat ‘yung mga tao kasi di naman po ako laging nagpopost ng ganun. Kadalasan po kasi ng mga TikTok videos ko puro kalokohan o funny voice overs hehe,” paliwanag pa niya.

Dagdag niya, “I’m 27 years old now, and I’m proud of my body…of what I have been through. I try to make women more aware of our diversity and hopefully make us all a little bit less self-conscious.” 

Samantala, bibida si Yassi sa kauna-unahan niyang comedy project – ang 1954 TV adaptation na may titulong “Kurdapya.”

Dalawang karakter ang gagampanan niya sa teleserye na tungkol sa dalawang magkaibang tao na nagdesisyong magpalit ng kanilang buhay.

Makakasama ni Yassi sa proyekto sina Marco Gumabao, Nikko Natividad, Ryza Cenon, Katya Santos, Candy Pangilinan at Lander Vera-Perez. 

Mapapanood ang “Kurdapaya” tuwing Sabado, 6pm sa TV5 simula ngayong March 18.

Related Chika:

Kiray ibinandera ang bagong bikini photo; nagbabala sa body shamers

Read more...