Long weekend sa unang linggo ng Abril; MRT, LRT walang biyahe sa April 6 to 9

Balita featured image

MAHABA-HABANG bakasyon ang sasalubong sa unang linggo ng Abril!

Nagdeklara kasi ang Malacañang ng regular holiday sa April 6, 7 at 10 bilang paggunita sa Semana Santa.

Habang ginawang special non-working holiday naman ang April 10 para bigyang-pugay ang Araw ng Kagitingan.

Anunsyo sa isang Facebook post, “Pursuant to Proclamation No. 90, s. 2022, Malacañang declares April 6,7, and 10 as regular holidays, and April 8 a special non-working holiday in observance of this year’s Holy Week (April 6-9) and Day of Valor (April 10).

Para sa kaalaman ng marami, April 9 talaga ang Araw ng Kagitingan, pero ginawa na lang itong April 10 upang magkaroon pa ng mas mahabang oras ang mga kababayan na makasama ang kanilang pamilya.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos noong Nobyembre na nais niyang palakasin ang domestic travel sa bansa at muling ibalik ang tradisyon ng mga Pilipino na nagkakasama ang mga pamilya sa tuwing may okasyon.

Baka Bet Mo: DOTr nais magtaas ng pasahe sa MRT at LRT, ilang grupo pumapalag: ‘Dapat makiramdam naman ang ahensya…’

Pahayag ng pangulo, “There is a need to adjust these holidays pursuant to the principle of holiday economics wherein a longer weekend will help encourage domestic travel and increase tourism expenditures in the country.”

“For the year 2023, New Year’s Day falls on a Sunday. In consideration of the Filipino tradition of visiting relatives and spending time with their families for this occasion,” giit pa niya.

At speaking of Holy Week, inanunsyo na ng pamunuan ng MRT-3 na suspendido ang kanilang operasyon mula April 6 hanggang 9.

Ibig sabihin, walang biyahe sa mga nabanggit na petsa upang isagawa ang ilang repairs ng tren.

“MRT-3 operations will be suspended from Holy Thursday, April 6, until Easter Sunday, April 9, to give way for the rail line’s annual Holy Week maintenance activities,” saad sa FB post.

Gaya ng MRt-3, Wala ding byahe ang LRT sa kaparehong petsa.

“We normally take advantage of the Holy Week to perform our yearly maintenance activities,” saad ni LRTA Administrator Hernando Cabrera.

Aniya pa, “With this, we appeal for understanding from the riding public and request that they plan their trip and take alternative transportation during this period.”

Sarado rin ang Philippine National Railways (PNR) pagdating ng April 6 hanggang 9 upang magsagawa rin ng repairs.

“Itinaon ng PNR sa Semana Santa ang taunang maintenance para hindi maka-apekto ang paghinto ng biyahe sa mga pasahero nito,” sey ng PNR.

Ngunit bago ‘yan ay tiniyak ng train station ang kaligtasan ng mga mananakay at sinabing magde-deploy sila ng mga karagdagang personnel sa kanilang operasyon ngayong sasalubungin ang Holy Week.

Ang MRT, LRT at PNR ay magbabalik-operasyon pagsapit ng April 10.

 

Read more:

Read more...