Ben&Ben, Zack Tabudlo, Ebe Dancel eeksena sa ‘Zark’s Fest 2023’

Ben&Ben, Zack Tabudlo, Ebe Dancel eeksena sa ‘Zark’s Fest 2023’

MATAPOS ang matagumpay na debut noong 2019, muling magbabalik ang isa sa pinakamalaking live music event ng bansa, ang “Zark’s Fest.”

Exciting ang inilabas nilang lineup ng mga magpe-perform ngayong taon!

Ilan lamang sa mga magtatanghal sa festival ay ang award-winning at best-selling Filipino band na Ben&Ben, pati na rin ang most-streamed solo artist na si Zack Tabudlo.

Ilan pa sa mga bigating artists at banda na kaabang-abang ay sina Ebe Dancel, Urbandub, Sandwich, The Itchyworms, BINI, Kiyo, SOS, Autotelic, Any Name’s Okay, Lola Amour, Hey June!, at Eli & Six The Northstar.

Ang nasa likod ng nasabing event ay ang sikat na burger joint sa Pilipinas kasama ang GNN Entertainment Productions.

“We’re coming out stronger this year with a more diverse lineup and activities,” pagmamalaki ng CEO ng Zark’s Burger na si Zark Varona.

Sey pa niya, “Make sure to pack your sunscreen as Zark’s Fest brings a festive experience in the best possible way.”

“We’re scaling up our game with headline-worthy music representing various genres and demos, and we’re also holding the event in a bigger, outdoor venue that allows people to move freely around the site and celebrate food, arts, and crafts with their family and friends,” dagdag niya.

Patuloy pa niya, “What we have is something game-changing and special, and I hope more people will get to experience that.”

Ang presyo ng tickets ay mula P800 hanggang P2,500 na mabibili sa website ng Ticketmelon.

Mangyayari ang music festival sa May 13 sa Circuit Makati Event Grounds.

Related chika:

Kapamilya stars excited na sa pagbabalik ng Star Magic Ball, sports fest ngayong 2022

Jugs Jugueta laging napagkakamalang si Ebe Dancel noon: ‘Buti na lang, nakilala ko si Andie at pinataba niya ako’

Krizzle Luna matagumpay ang ‘spine operation’ matapos ang car accident, patuloy pa ring nagpapalakas

Read more...