Zachary Levi ipinakita ang halaga ng pamilya sa sequel ng ‘Shazam!’

Zachary Levi ipinakita ang halaga ng pamilya sa sequel ng ‘Shazam!’

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

ISANG nakakaantig na kwento tungkol sa pagmamahal sa pamilya ang ipinakita ng American actor na si Zachary Levi sa pinagbibidahang bagong pelikula.

Ito ang “Fury of the Gods,” ang epic sequel ng 2019 superhero film na “Shazam!” na mapapanood na sa lahat ng lokal na sinehan.

Ang istorya ng bagong pelikula ay kwento pa rin ng binata na si Billy Batson na nagiging adult superhero na si Shazam.

Ang mas ikinaganda lang ay kasama na niya sa pakikipaglaban ang kanyang adopted siblings na nagta-transform din bilang superheroes.

Sa trailer ng pelikula, makikita ang teamwork ng magkakapatid upang malabanan ang mga bagong kontrabida na tinatawag na “Daughters of Atlas.”

Bukod sa punong-puno ng aksyon ang nasabing superhero film, may halo rin itong comedy na tiyak na kakaaliwan ng mga manonood.

Baka Bet Mo: Jennifer Lawrence magpapatawa, magpapainit sa pelikulang ‘No Hard Feelings’

Ang trio ancient gods ay ginagampanan ng ilang bigating Hollywood actresses na sina Rachel Zegler, Lucy Liu at Helen Mirren.

Habang ang superheroes ay ginagampanan nina Adam Brody bilang Super Hero Freddy, Ross Butler na gaganap na Super Hero Eugene, Meagan Good as Super Hero Darla, D.J. Cotrona bilang Super Hero Pedro at Grace Caroline Currey as Super Hero Mary.

Related chika:

Read more...