Ryza Cenon mas gustong magkontrabida kesa magbida, na-challenge sa pagko-comedy sa ‘Kurdapya’

Ryza Cenon mas gustong magkontrabida kesa magbida, na-challenge sa pagko-comedy sa 'Kurdapya'

Ryza Cenom

MAS feel pala ni Ryza  Cenon ang  magkontrabida kaysa magbida.

Ito ang nalaman namin during the presscon of “Kurdapya” na pinagbibidahan ni Yassi Pressman.

As Margie, ang gold-digging girlfriend ng ama ni Yassi na si Lander Vera Perez, feel na feel ni Ryza ang kanyang role.

“Mas nag-e-enjoy ako sa pagiging kontrabida because mas nalalaro ko po siya. Puwede na rin naming maging bida ang kontrabida, eh.


“May mga times na nagpapaawa rin naman ang mga kontrabida  na ginagawa ng bida. Kasi ang bida, kailangang magpaawa lang siya, period.  Pero ang kontrabida, halo-halo po na emosyon,” say ni Ryza.

First time mag-comedy ni Ryza kaya naman ito ay malaking challenge sa kanya, “Very challenging ito sa akin kasi comedy siya, eh. Bago ito sa akin.

“Alam natin na ang genre na comedy ay nasa timing ‘yan, eh. Dalawa lang ang iisipin sa iyo kapag pinanood ‘yan, either matatawa sila or sasabihin OA, corny naman,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Ryza Cenon kontra sa mga prank na nauuwi sa bullying; may panawagan sa magbabarkada na mahilig ‘mag-trip’

Tumatak nang husto ang galing ni Ryza sa pagiging kontrabida sa “Ika-6 Na Utos” sa GMA 7 kung saan gumanap siya bilang Georgia na naging kabit ng character ni Gabby Concepcion na si Rome.


Talagang inabangan ang mga eksena ni Ryza kay Emma na ginampanan naman ni Sunshine Dizon. Pinag-usapan talaga ang marami nilang confrontation scenes.

Ayon sa aktres, gusto niya ng variety sa kanyang mga ginagampanang role kaya naman feel na feel niya na magkontrabida sa “Kurdapya” dahil comedy naman ito.

“Hindi naman laging perfect ang ginagawa ko. Kailangang mag-level up sa bawat genre na ginagawa mo kasi hindi naman puwedeng ‘yun at ‘yun din ang ipapakita mo kung bigyan ka man ng drama or action.

“Kailangan lagi mong binibigyan ng bagong flavor ‘yung character mo,” say niya.

Inspired by Pablo S. Gomez’s popular classic, “Kurdapya”, magsisimula nang umere ang show sa Sabado, March 18, 6 p.m. sa TV5, with catch-up airings on Sari Sari Channel every Sunday, 8:00 pm starting on March 19.

Andrea Brillantes bibida raw sa remake ng ‘Dyesebel’, magaling lumangoy at sumisid

Ashley Ortega inatake ng matinding takot dahil kay Carmina: Pero super sweet pala siya at napaka-humble

Read more...