Sino nga ba ang tunay na ‘Queen of FM Radio’, si DJ Chacha o si Laila Chikadora?
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Laila Chikadora at DJ Chacha
SINO nga ba ang tunay na Queen of FM sa 92.3 Radyo5 TRUE FM na — si DJ Chacha o si Laila Chikadora?
Hindi nakadalo sa face-to-face presscon ang co-host ni Ginoong Ted Failon na si DJ Chacha sa programa pero naka-zoom naman ito.
“Actually hindi ko po alam kung saan galing ang (titulong) Queen of FM pero thank you na rin po. Kasama ko si Manong Ted and core ko naman po talaga ang radio ‘coz I started with radio right after graduation taong radyo na po talaga ako.
“One thing na paulit-ulit kong gustong gawin hanggang sa pagtanda ko kung bibigyan pa rin ng chance is it’s really radio.
“Si Laila Chikadora po ay nakasama ko noon sa MOR (101.9) before, so, para po sa mga nag-iisyu sa amin kung may competition or kung anuman ay wala po.
“Isa po si Laila Chikadora sa mentor ko noon sa MOR and I can say na isa po si Laila sa dahilan kung bakit ako nagkaroon ng mas malalim na relationship with Manong Ted.
“Kasi nu’ng time na nawala si Laila noon sa DZMM (ABS-CBN) naghanap sina Kabayan (Noli de Castro) at Manong Ted ng ipapalit para sa showbiz news spotlight with Laila, ang dami pong doors talaga ang nag-open sa akin nang mawala si Mareng Laila sa MOR ABS-CBN.
“Hindi ko magagawa lahat iyon at wala rin po ako ngayon dito at isa po si Laila ro’n kung bakit ang daming pintong nagbukas kaya thankful po ako sa lahat ng naituro niya sa akin nu’ng magkatrabaho pa kami sa MOR at sa lahat pa rin ng mga naituro niya sa akin hanggang ngayong nandito na ako sa Radyo5.
“Kaya wala pong isyu, walang gano’n, si Laila po talaga ang Queen of FM, pinasa lang talaga niya sa akin ang korona,” pagbabalik-tanaw ni DJ Chacha kung paano niya nakamit ang puwesto niya ngayon.
Nakangiti at seryosong nakikinig naman si Laila Chikadora habang nagkukuwento si DJ Chacha.
“O, di ba? Siya (DJ Chacha) na ang nagsabi no’n. Si Chacha kasi maaga lagi siyang dumarating noong nasa ABS (CBN) pa kami hanggang 3 o’clock kasi ako ng hapon pero maaga siyang dumarating, so, madalas naaabutan niya ako.
“So, I share her my knowledge kasi hindi naman tayo habang buhay na bata, di ba? Importante, pinapasok natin sa iba ang karunungan, life lessons kasi sino pa baa ng susunod sa mga yapak ninyo, e, di ba ‘yung baguhan din?
“So, nu’ng paalis na ako sa ABS (CBN) nakita ko kay Chacha ‘yung potential na, ‘ah, eto pag-alis ko siguradong aariba ‘to’ so, itinuro ko sa kanya na ‘Chacha ganito, blah-blah’ o ayan (sabay turo kay Chacha sa monitor), so, ayan siya.
“I’m so happy for Chacha at naniniwala ako kasi na kanya-kanya tayo ng destiny. Just because I left ABS (CBN) doesn’t mean na hindi rin ako agad umariba sa nilipatan ko.
“I’m very thankful to Radyo5 kasi this year (2023), 13 years na ako. I handled a lot of timeslots and sa News5 naman ilang buwan lang, a new ground for me and marami akong natutunan. So, hayan mahal namin ang each other ni Chacha,” mahabang kuwento ni Laila Chikadora.