Lalaki napagkamalang magnanakaw sa kilalang supermarket, staff na nagtaray pinanggigilan ng netizens

Lalaki napagkamalang magnanakaw sa kilalang supermarket, staff na nagtaray pinanggigilan ng netizens

TRENDING ngayon ang video ng isang lalaki kung saan makikitang isa-isang pinalabas ang laman ng kanyang bag matapos siyang pagbintangan nagnakaw sa loob ng sikat na supermarket.

Makikita sa video ang isang lady guard at staff mula sa pamilihan ang nag-check sa bag ng senior citizen at inutusan itong ilabas isa isa ang laman ng kanyang bag sa harap nila kung saan nakikita rin sila ng ibang mamimili para mapatunayan na wala talaga siyang kinuha.

“Napagbintangan ako na may ninakaw. Wala naman akong ninakaw,” saad ng lalaki sa caption.

Dagdag pa niya, “I may not leave you millions but a good name is worth more than money sabi ng lolo ko na si Amb. Felino Neri Sr. Kaya ito ang laging nasa isipan ko.”

Tila napahiya naman ang lalaki matapos niyang ilabas ang lahat ng laman ng bag niya at napatunayang wala siyang kinuha.

Ibinandera pa nga niya ang kanyang binili na tila deodorant at sinabing may resibo pa ito tanda na binili niya at hindi niya ninakaw.

Sa video ay sinabihan ng lalaki ang isang staff na dapat raw ay humingi ito ng tawad sa kanya dahil sa mali nitong akusasyon.

Maririnig naman na nag-sorry ang staff ngunit kahit na ganoon ay marami pa rin ang nanggigil sa staff dahil kitang kita ang pagtataray nito at tila hindi sincere ang pagso-sorry ng tawad nito sa kanya.

Baka Bet Mo: Vice Ganda namigay ng P300,000 sa ‘Showtime’ staff: Sobrang mahal na mahal ko ‘tong mga ‘to

Nakilala ang lalaki bilang si Hope Marco Neri Yutoc na isa palang aktor at lumabas na sa iba’t ibang teleserye, music videos, commercials, at iba pa.

Kumalat na ang kanyang video at maging sa Twitter ay umabot ito dahil sa gigil at inis ng mga netizens sa hindi naging magandang pagtrato ng mga staff kay Marco.

@marcofnyI may not leave you millions but a good name is worth more than money sabi ng lolo ko na si Amb.Felino Neri Sr.Kaya ito ang laging nasa isipan ko. 🙏♬ original sound – quarantinemanlocdowngirl

“I saw this on tiktok! Nang gigil ako! Ano ang pwede ikaso sa ganito? Si ate nak violet ang tapang pa ng itsura! Maling mali ka dyan!” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Most malls and supermarkets in the Philippines treat their customers like criminals.”

“Matapang ang mukha ni ate ube kahit mali na just to show na ang mga Pinoy ngayon kahit nagkamali na eh matapang pa rin, ayaw umamin ng pagkakamali kasi dahil sa pride,” dagdag pa ng isa.

Nagkomento na rin sa naturang tweet ang pamilihan at nangakong magri-reach out ito kay Marco sa ginawa ng kanilang staff.

“Maling-mali ito. Hindi na sumunod sa protocol, maling-mali pa ang pakikitungo sa customer. Thank you sa pagpapaalam nito ah. We are really sorry for this and rest assured, lalapit po kami kay Tatay and whatever will appease him, we’ll work on it,” saad nito.

Related Chika:
Lolit Solis tinalakan si Jennylyn Mercado: Huwag basta magrereklamo sa social media

Lead actress sa isang pelikula sobrang mag-inarte sa shooting, pati suot na t-shirt ng staff pinahubad, pinapalitan

Read more...