Vhong Navarro thankful sa pagkakabasura ng kaso: Naniniwala ulit ako na may justice system sa Pilipinas

Vhong Navarro thankful sa pagkakabasura ng kaso: Naniniwala ulit ako na may justice system sa Pilipinas

LABIS ang pasasalamat ng TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga kasong acts of lasciviousness at rape laban sa kanya.

Sa kanyang naging pahayag sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”, nagbahagi ang TV host ng kanyang mga naging karanasan habang ongoing ang kasong isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

“Dasal ako nang dasal every day, every night, na hopefully ay makuha ko na ang minimithi ko na matapos na itong pinagdadaaanan ko kasi may mga panahon na akala ko nawalan ako ng pag-asa, nawalan ako ng hope habang nasa loob ako, pero hindi ako tumigil sa pagdadasal,” saad ni Vhong.

Pagpapatuloy niya, “Kaya, ito na po, [dininig] na po ng Supreme Court ‘yung dasal natin at nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko kaya maraming maraming salamat sa Supreme Court.”

Hindi naman nakalimot na magpasalamat si Vhong sa lahat ng mga taong nakasama niya sa kanyang laban.

“Maraming maraming salamat sa aking legal team na talagang nandyan at hindi ako pinabayaan. Kila Atty. Alma (Mallonga) Atty. Bon (Gardoque), Atty. Chris. Of course ABS-CBN dahil hindi ako iniwan, binigyan ako ng trabaho. Welcome ako dito sa It’s Showtime. Sir Carlo Katigbak, maraming salamat. Sir Mark Lopez, maraming salamat. And of course, Tita Cory Vidanes, maraming maraming salamat. I love you, saad ng komedyante.

Baka Bet Mo: Vhong Navarro ‘masusunog’ ang ipon, sey ni Cristy Fermin: ‘Wala na siyang programa, wala na siyang trabaho’

“Lagi kayong nandyan. Lagi kayong nakaalalay sa akin. Maraming salamat. Of course sa manager ko, Direk Chito Roño, sa manager ko. I love you, boss. Thank you so much. Sa Streetboys, sa solid at sa mga taong naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin, marami pong salamat.

“Of course my family, kay Tanya, kay Ice, kay Bruno, sa dalawang nanay ko at sa mga kaibigan ko pa, maraming marami pong salamat,” dagdag pa ni Vhong.

At dahil nga raw sa naging desisyon ng korte ay nagbalik ang paniniwala ni Vhong sa hustisya sa bansa.

“At ngayon po dahil sa Supreme Court, naniniwala po ulit ako na may justice system sa Pilip

inas,” sey pa niya.

Matatandaang January 2014 pa nang magsimula ang kaso laban kay Vhong matapos siyang akusahan ni Cornejo ng attempted rape dahil sa mga nangyari umano sa loob ng kaniyang condominium unit sa Taguig City.

Related Chika:
Billy super happy sa paglaya ni Vhong: Pero legal matters na ito kaya hindi tayo puwedeng makisawsaw lang

Hiling ng kampo ni Vhong Navarro: ‘Sana makalaya na siya sa Pasko at makasama ang pamilya’

Read more...