Nanay ni Jane de Leon naaksidente, humiling ng dasal sa madlang pipol: ‘It breaks my heart to see her in this situation…’
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Jane de Leon at Maricor Benitez-De Leon
HUMILING ng panalangin si Jane de Leon para sa operasyon ng kanyang inang si Gng. Maricor Benitez-De Leon base sa larawang ipinost niya sa Instagram nitong Lunes ng gabi.
Makikita ang kanyang nanay na nakahiga sa hospital bed at ang nakasaad sa caption ay, “Our mom got into an accident last Friday and today is her surgery.
“It breaks my heart to see her in this situation. I’m doing my best to stay positive and make her smile even though she’s in pain.
“Also, sorry if I’m inactive. We are taking care of our mom. I want to thank all the people who helped us. Thank you @ellemendoza_ @paulpatrickjuan for accompanying me yesterday! Please pray for the success of our mom’s surgery,” mensahe pa ni Jane.
Walang binanggit ang gumanap na Darna sa Mars Ravelo series ng Kapamilya network kung ano ang nangyari, basta ang sabi lang niya ay naaksidente ang ina.
Anyway, may nagtsika naman sa amin na nawalan ng balanse ang mama ni Jane dahil sa badminton.
Hindi naman nilinaw ng nagsabi sa amin kung naglalaro ang ina ni Jane o baka naman nasagi siya ng naglalaro kaya na-out of balance.
Anyway, sana maging successful ang operasyon ng ina ni Jane.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga kasamahan ni Jane sa industriya.
Panalangin ang sabi ni @jedmadelaofficial, “Prayers for your mom, Jane (praying hands emojis).
Sabi naman ng kilalang make-up artist at manager ni Ronnie Alonte na si @rbchanco, “Kaya yan ni Tita! Dont you worry (kissing lips emojis).
Nabahala rin ang make-up artist at wife ni Dominic Ochoa na si @deniseochoa, “Oh noooo! Tita @hearty0926 pls get well soon (emoji heart) will pray for you!”
Mula sa batang aktres na si @kira_balinger, “Get well soon tita (emoji praying hands) Stay strong Janeh.”
Gayun din si @elissejosonn, “Tita, praying for u (heart and praying hands emojis).”
Agarang paggaling din ang sabi ng dalagitang aktres na si @iammutya_orquia, “Get well soon po tita (heart emoji).”
Say naman ng isa sa “Magandang Buhay” hosts na si @mrandmrsfrancisco, “We will pray for Mom, we will pray and were here ha.”