Liza matindi ang tampo kay Ogie Diaz: ‘I felt that he’s trying to tarnish my name…anak pa man din ang tawag niya sa ‘kin’

Liza matindi ang tampo kay Ogie Diaz: 'Because he’s saying so many things that are untrue! Anak pa man din ang tawag niya sa 'kin'

Ogie Diaz at Liza Soberano

NILINAW na ni Liza Soberano ang tsikang 40% ang kinukuhang komisyon sa kanya ng dating talent manager na si Ogie Diaz.

Aniya, 30% lang daw sa taong 2015-2016, 20% naman sa tita Joni Lyn Castillo niya na pinsang buo ng kanyang amang si John Castillo Soberano at 10% naman sa Star Magic.

Ito ang isa sa laman ng ikalawang bahagi ng panayam ni Liza kay Kuya Boy Abunda sa “Fast Talk” program nito sa GMA 7.

Tanong ni kuya Boy, “Dati ba sino ang managers mo.  May mga nagsabi na 40%, may nagsabi naman 20%, I saw a post, this is where I’m coming from.”

“Tito Ogie, Tita Joni my dad’s first cousin and Star Magic. I really don’t want to talk about commissions ‘coz it’s a private financial matter. Nakita ko rin po iyon (posts) sa Twitter and I think people were accusing tito Ogie taking 40% from me, I wanna clarify na hindi po iyon totoo.


“I started with him at 12 (years old) and about 2015-2016 when I was 17, 30% po iyong komisyon niya sa akin, my tita Joni was taking 20% and Star Magic was taking 10%,” paliwanag ni Liza.

Muling inulit ni kuya Boy ang mga porsiyentong napupunta kina Ogie, tita Joni at Star Magic, at ang natira na lang daw ay 40% kay Liza.

Pero dahil nagbabayad pa ang dalaga ng US at Philippine tax dahil nga US and Filipino citizien siya ay 30% na lang ang natitira kay Liza.

“My tita Joni started feeling bad for me for that situation, so, nag-usap po sila ni tito Ogie na bawasan na lang ‘yung commissions nila for me because they felt I deserved more since I was putting in a lot of work.

“Eventually naging 20% na lang po si tito Ogie, and si tita Joni naging 15% tapos ang bawas niya after tito Ogie’s take his commission and Star Magic was still 10%. Pero ang Star Magic hindi kumukuha ng komisyon if it’s money coming from ABS-CBN. Sa movies, hindi po sila kumukha ng komisyon it’s from endorsements,” pagtatapat ni Liza.


Hindi raw nagrereklamo ang aktres dahil ito raw ang nasa kontrata at naniniwala siyang fair ito para sa kanya.

Ang tita Joni ni Liza ang nagsilbing personal assistant at road manager niya na sa madaling salita ay siya ang nag-aasikaso at nag-aalaga sa aktres sa lahat ng lakad nito.

Ipinagtapat din ni Liza na noong una ay ang komisyon ni Ogie ang dapat bawasan sabi ng tita Joni niya dahil nga hindi raw nagpupunta ang manager niya sa mga tapings at endorsement shoot.

“He (Ogie) would book (projects) for me, he was negotiating, so, she (Joni) felt it was fair for him to lessen his commissions but then they mutually agreed na pareho na lang sila at napag-usapan namang mabuti that carry ’til 2015 to present,” paliwanag ni Liza.

At sa bago niyang management company na Careless (pag-aari ni James Reid) ay inamin ni Liza na ito lang ang kukuha ng komisyon na 20% kaya’t ang natirang 80% ay maliwanag na sa kanya.

Balik-tanong ni kuya Boy kung totoong sa huling dalawang taong pagma-manage ni Ogie kay Liza ay hindi na ito kumulekta ng komisyon, totoo o hindi?

Natagalan bago sumagot ang dalaga, “It’s not right. That’s incorrect.”

“Actually it hurts me (that) he’s making all those lies because (emosyonal na si Liza), sorry. I feel like he’s trying to making seem like I wasn’t profitable in the past two years that we’re working together.

“He knows the truth, he knows my pain, he knows the things that I felt, (there) were things that mishandled stuff like that, so, it’s kinda unfair. (panay ang punas ng luha).

“And he knows I don’t wanna bring this up but he still get some commissions from the endorsements of mine like fell under the time contract with him even he has no more obligations. We told him that he has no more obligations for me when it comes to endorsements.

“Literally last month, (February) we gave him check for endorsements that was renewed before our contract ended and kahit na wala na po siyang ginagawa for that we give him the commissions ‘coz that’s what right. I wouldn’t breach my contract,” kuwento ni Liza.

Tinanong ni kuya Boy kung huling pay check na ni Ogie ang natanggap niya noong Pebrero, “He’s going to get another one this week.”

Balik-tanong ng TV host, “May tampo ka kay tito Ogie mo?”

Nag-isip si Liza at sabay sabing, “Mayroon po. Because natapos naman po ‘yung kontrata natin ng tama, ng maayos na hindi po kami magka-away, super nagkaka-intindihan po kami. Ang pagkakaintindi ko po suportado siya sa lahat ng gusto ko, ako din naman po ganu’n din.”

Pareho ang kuwento nina Ogie at Liza na limang buwan bago magtapos ang kontrata nila as manager at talent ay napag-usapan nila na kung magre-renew ulit ng kontrata ang huli ay iba na ang komisyon na mas mababa na.

“I felt that out of respect that I needed him to know what my plans are and I told him ng maayos and nilinaw ko sa kanya, ‘tito Ogie I’m grateful for you. I’m so thankful for everything that I achieved and experienced because of you and your guidance and I will forever hold in my heart the lessons that you taught me.  It will be forever part of me. Sinabi ko ‘yun sa text ko sa kanya.

“And by the time that our contract ends (sabi ko) hindi na po ako magre-renew and in-explain ko kung bakit. Sinabi ko na we were working for 11 years now and I sign a 10 year contract with you and not for anything, it’s not because I didn’t like ‘yung pinagsamahan natin na hindi ako naging masaya sa career ko it’s because I want growth.

“And I believe that I can find that by working with other people, by learning things by other people well by taking new experiences and noong una natakot po akong sabihin sa kanya iyon ‘coz I didn’t know kung paano niya ite-take iyon,” pagtatapat ng aktres.

Nagsabi naman daw si Ogie na suportado siya nito sa lahat ng desisyon niya pagdating sa karera niya.


“Nagtatampo po ako sa kanya because a few weeks ago before ko i-release ‘yung vlog ko, actually binlak-out ko ‘yung social media ko, nag-message pa po siya ng, ‘anak may tumutulong na ba sa ‘yo to get you social media accounts back kasi akala niya na-hack ako, so, we were okay.

“So, I don’t understand why he is choosing to fight me, it feels like he’s trying to fight me or trying to ruin me. I never say bad, a single bad thing about him,” kuwento ni Liza.

Kaya ang tanong ni kuya Boy ay paano nasabi ni Liza na trying to fight or trying to ruin ng dati niyang manager, “Because he’s saying so many things that are untrue!” sagot ng dalaga.

Balik-tanong ni kuya Boy, “like?” “Like the past two years hindi po siya kumukuha ng komisyon. It makes me sound or ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano ‘yung nangyayari sa loob. He’s calling me ungrateful, where he knows how grateful I was to ABS-CBN na kahit wala akong kontrata sa kanila I was doing so much work for them, I’m supporting them.

“Nu’ng nag-shut down ang ABS-CBN I was one of the artists that rally along side with them because it didn’t fair na mangyari ‘yun sa lahat ng employees nila na nakakasama ko sa taping everyday.  I don’t think it was fair for them to loose their jobs.

“He knew how I was grateful and thankful to everyone and siya po mismong nagsabi, masunurin ako, mabait ako na bata? So, why is he telling things that make people turned against me?” paliwanag ni Liza.

Hindi rin daw nag-reach out sa kanya si Ogie tungkol dito, sabi ng aktres. Kaya’t hindi rin daw nag-reach out si Liza sa tito Ogie niya, “Anak pa mandin ang tawag niya sa akin. Gagawin niya ba ‘yun sa mga anak niya? He has 5 daughters.”

Ang mensahe ni Liza sa ex-manager niya, “Sana kinausap muna niya ako.  Before naman if we have problems we would talk it out. Dito kung na-hurt siya sa mga sinabi ko, sana sinabi muna niya sa akin ng personal instead of treating me like everyone else in the industry that he talks about all his channels (YouTube).

“Yeah, he should talk to me parang wala naman kaming pinagsamahan, parang hindi niya ako anak kahit na iyon ang tawag niya sa akin,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Liza Soberano dinenay na hiwalay na sila ni Enrique Gil: We’re totally fine, he’s very supportive pa rin

Hindi pa raw siya handang tawagan si Ogie anytime now, sagot niya kay kuya Boy kung may plano siyang tawagan ito.

Anyway, isa kami sa maraming nasulat tungkol kay Liza mula nu’ng ilabas niya ang kanyang “This is Me” vlog, sa panayam niya kay Bea Alonzo at itong huli kay kuya Boy Abunda. Halos lahat din ng vlog ni Ogie ay napanood namin, ang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi, Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh.

Sa pagkakatanda namin ay hindi siniraan ni Ogie si Liza at ipinagtatanggol pa nga niya ang aktres na sana mag-usap sila muna ng manager niya bago siya magsalita dahil hindi nagkakatugma ang sinasabi nila ng bago niyang management team headed by Jeffrey Oh, CEO ng Careless tulad ng imbitasyon sa audition sa “Spiderman” na hindi naman pala totoo.

Inamin din ni Ogie na nasasaktan siya kay Liza dahil sa kaliwa’t kanang bashing dahil nga iba-iba ang sinasabi niya sa mga panayam niya.

Gusto naming itanong kay Liza kung napapanood at napapakinggan niyang mabuti ang “Showbiz Update” vlog ng dati niyang manager o baka ang napanood niya ay chop-chop ng ibang vloggers para siraan siya o baka mali ang kuwentong nakakarating sa kanya.

Ang mga sinulat namin ay reaksyon na galing mismo sa netizens at ilang executives na naka-work niya, sila ang nagku-kurek sa mga sinabi ni Liza at pinayuhan pa nga siya n asana huwag na siyang magsalita para hindi na lalong mapahamak, less talk, less mistake ikaw nga.

Sana kung may time si Liza ay balikan niya lahat ang episodes ng Youtube channel ng dati niyang manager para malaman niya kung ano ang totoo.

Liza sasabak na sa pagiging recording artist sa 2023; tutuparin din ang pangarap maging ‘global actress’

Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: ‘Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

Read more...