P1M bonus sa opisyales ng SSS makatarungan lang – Malacanang
IPINAGTANGGOL ng Malacanang ang pamimigay ng P1 milyon bonus sa bawat miyembro ng board ng Social Security System sa gitna ng batikos kaugnay sa nakatakdang pagtataas sa singil sa kontribusyon ng mga miyembro.
Hirit ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, makatarungan lang na bigyan ng bonus ang mga opisyal ng SSS dahil kumita umano ang ahensya.
“We can only declare bonus kung kumikita ang GOCC at malaki naman ang kinita ng SSS dito. Ang alam natin meron din namang corresponding bonus ang mga empleyado. May anniversary bonus,” pagtatanggol pa ng tagapagsalita ni Pangulong Aquino.
Itinanggi naman ni Lacierda na magmumula ang bonus ng mga opisyal sa dagdag na pondo mula sa pagtataas sa singil sa SSS contribution.
Ipinagkibit-balikat laman nito ang plano ng Senado na imbestigahan ang pamimigay ng bonus .
“We are confident that the declaration of bonuses to SSS directors are defensible,” giit pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.