IKA nga nila, “life begins at 40.”
Kagaya na lamang ng inihayag ng TV host na si Bianca Gonzalez sa kanyang latest social media post matapos ipagdiwang ang kanyang ika-40th birthday.
Ayon kay Bianca, ramdam niyang mas masaya, kuntento at mapayapa ang kanyang buhay ngayon.
Bukod diyan ay lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng mga bumati sa kanyang special day.
Caption niya sa isang Instagram post, “40 [sparkling emojis] Aaaaah I have never been happier, more content, more at peace, more fulfilled and more grateful than I am now [white heart emojis].”
“Thank you SOOO much to every single one who sent love my way today! I truly appreciate it!!!!,” saad pa niya.
Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez may ‘birthday gift’ sa sarili, pina-tattoo ang pangalan ng mga anak
Kasunod niyan ay ibinandera niya rin sa isa pang IG post ang kanyang “best gift ever.”
Ito ang kanyang pamilya na nagbibigay ng pagmamahal sa kanya araw-araw.
Sey niya sa post, “My BEST GIFTS EVER are you three, @jcintal7, Lucia and Carmen.”
Dagdag pa niya, “I am the luckiest girl in the whole world to be showered by your love every single day!! I often wonder what good I’ve must’ve done in my life to deserve you three [white heart emojis].”
Matatandaang bago mag-birthday si Bianca ay ibinandera niya ang isa sa mga natupad niyang “bucket lust.”
‘Yan ay ipa-tattoo ang pangalan ng kanyang mga anak na sina Lucia at Carmen.
Sa Instagram Stories noong March 7, proud na ipinakita ni Bianca ang pagpapa-tattoo sa kanyang dalawang braso.
Caption pa niya, “Last weekend, got to check off an item from my bucket list before my 40th.”
“Thank you to my husband, [JC Intal], my enabler,” sey pa niya.
Matatandaang ikinasal sina Bianca at JC noong 2014.
Taong 2015 nang ipinanganak ni Bianca ang panganay nila na si Lucia Martine at noong 2018 naman nang isinilang niya si Carmen Eliana.
Related chika: