Kiligin, umiyak, matawa sa pelikulang ‘Ajoommah’ ng Singapore at Korea; siguradong maraming nanay ang ‘relate much’

Kiligin, umiyak, matawa sa pelikulang 'Ajoommah' ng South Korea at Singapore; maraming nanay ang naka-relate

Singaporean actress Hong Huifang

IN FAIRNESS, na-enjoy namin nang bonggang-bongga ang lighthearted family drama na collaboration ng  South Korea at Singapore, ang “Ajoomma“.

Isa tayo sa mga naimbitahan ng TBA Studios para unang makapanood ng “Ajoommah” sa naganap na special screening nito sa Cinema ’76 sa F Terraces Building sa Tomas Morato, corner Scout Borromeo sa Quezon City.

Ito’y pinagbibidahan ng veteran Singaporean actress na si Hong Huifang na siyang gumaganap na ajoomma sa kuwento na ang ibig sabihin ay middle-aged “auntie”.


Iikot ang kuwento ng pelikula sa isang balong nanay na adik na adik sa mga K-drama. Nagbiyahe siyang mag-isa mula sa Singapore patungong Korea kung saan magaganap ang mga nakakalokang twists and turns ng istorya.

Baka Bet Mo: Jolina, Marvin nag-foodtrip sa Singapore, netizens kinilig: ‘The best love team in the 90s’

Sa pagtungo niya sa Korea ay marami siyang madidiskubre sa kanyang sarili, lalo na sa pagiging ina at asawa.

Simple lang ang kuwento ng “Ajoommah” pero siguradong tatagos sa inyong puso ang ilang madadramang eksena sa pelikula. Sure na sure rin kami na kikiligin kayo sa mga eksena ng mga bidang artista sa movie.

Kasama rin sa pelikula ang mga South Korean actors na sina Kang Hyung Suk (Hometown Cha-Cha-Cha), Jung Dong Hwan (Uncontrollably Fond, Hotel del Luna), at Yeo Jin Goo of Moon (Embracing the Sun, Hotel del Luna).

Nagkaroon ng world premiere ang “Ajoomma” sa 27th Busan International Film Festival last October, 2022. Ito ang directorial debut ng Singaporean filmmaker na si He Shuming.

Ayon sa nasabing direktor na super fan din ng mga Koream series, “While the premiese seems to be timely given the popularity of Korean pop culture sweeping through all of Asia and beyond, it merely serves as an understone for the film, which is about a middle-aged Singaporean woman learning to navigate life beyond her duties as a mother, a housewife, and a caretaker.”

Bago pa man ipalabas ang “Ajoommah” sa mga sinehan sa Pilipinas sa darating na March 15, ay umani na ito ng mga parangal at pagkilala, kabilang na ang apat na nominasyon sa 59th Golden Horse Awards.

Napili rin ito bilang entry ng Singapore para sa Best International Feature Film sa 95th Academy Awards.

Ang “Ajoomma” ay ipinrodyus ng Cannes award-winning director na si Anthony Chen (ILO ILO). Ito rin ang kauna-unahang pelikula na ginawa ng Singapore at South Korea.

Sabi naman ni TBA Studios President at COO Daphne Chiu, “Filipinos are very passionate about Korean culture and media. We feel that audiences here especially women of all ages would be able to relate to this film. It’s a heartwarming story perfect for families.”

‘Ajoomma’ paniguradong swak sa panlasa ng K-Drama fans

Pinoy na Pinoy maging ang negosyo ng pamilya ni Miss Universe Singapore

Read more...