Liza welcome pa rin sa ABS-CBN sa kabila ng mga pasabog na rebelasyon; Lauren Dyogi may inamin tungkol sa GMA 7
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Lauren Dyogi, Liza Soberano at Enrique Gil
WALANG sinabing masama o anumang kanegahan ang Star Magic head na si Lauren Dyogi patungkol sa dati nilang talent na si Liza Soberano.
Cool na cool na sinagot ni Direk Lauren ang mga tanong ng ilang members ng entertainment media sa mga isyu at kontrobersyang kinasasangkutan ni Liza na nag-ugat sa mga rebelasyon nito sa kanyang first ever vlog sa YouTube.
Pagkatapos ng contract signing ng P-pop group na HORI7ON sa ABS-CBN at management company na MLD Entertainment nitong nagdaang Biyernes ng gabi ay nakausap ng BANDERA at ng ilang miyembro ng entertainment press si Direk Lauren about Liza.
“My short dealings with her, I know her to be… she’s responsible naman. Marami talagang pinagdaanan ang batang ‘yan. Marami rin siyang responsibilidad sa buhay.
“Hindi naman din naging normal din ‘yung… I think she’s open about it, about her life, about her setup, marami siyang responsibilidad.
“But just like most of us, hindi rin naman unique ‘yung experience ni Liza, eh. Kahit naman ako nung bata ako, I had my responsibility. I’m sure all of you, you have your own responsibility. And opportunities that come to us, choice natin ‘yon,” pagbabahagi ng Kapamilya executive.
Patuloy pa niya, “Liza is lucky enough to have opportunities presented to her na hindi nape-present sa karamihan na nangangarap na mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya, sarili nila.
“And I think because Liza is also still in her first quarter of one hundred years of life so siguro nagka-quarter life questioning siya of maybe…nangyayari naman sa atin ‘yon, eh.
“We allow her to explore and aspire for something better for herself, if that meant moving on to somewhere else, moving on to different territory, let’s just wish her well.
“Because her achievements and accomplishments will also be an accomplishment for us especially for those people who helped her in the beginning like sila Ogie (Diaz), the Star Magic family who helped her.
“They will be very happy if Liza attain something that everybody is aspiring…which is global stardom,” lahad pa ni Direk Lauren.
Natanong naman ng BANDERA si Direk Lauren kung masasabi na niyang tapos na nga ang network war sa pagitan ng ABS-CBN at GMA 7 dahil sa pakikipag-collab nila sa Kapuso network.
Ayon kay Direk Lauren, tanggap na nila na ang GMA ang network na may pinakamalawak na reach ngayon, “For now, we are not a network anymore because we don’t have a franchise. We’re a media company.
“We’re a content creator now so wherever we can bring a content with a biggest reach and we have to recognize that GMA has a biggest reach right now because number one station.
“We’re very thankful to them for opening the doors also to partner with us but the same way that A2Z has been with us from the start and now Channel 5 and all the other OTT platform that has been collaborating with us.
“Maraming, maraming salamat. You keep us alive. We’ve been struggling for the past three years but awa ng Diyos nandito pa rin naman po kami, nandito pa kayo,” sabi pa ng TV executive.
Siniguro rin ni Direk Lauren na welcome na welcome pa rin si Liza sa ABS-CBN sakaling magdesisyon itong magbalik sa dati niyang tahanan.
“ABS-CBN has always been open with Liza. We’d offered her a lot of projects in the past and we’ve been very patient with what the choices she would make and ultimately she decided to do international projects. We wish her well,” mensahe pa ni Direk Lauren.