Ice natupad na ang wish na maging ‘rider’: ‘The fact na sumayad yung paa ko sa lupa habang nakaupo sa motor made me so happy!’

Ice natupad na ang wish na maging 'rider': 'The fact na sumayad yung paa ko sa lupa habang nakaupo sa motor made me so happy!'

Ice Seguerra

SA wakas, natupad na ng OPM icon na si Ice Seguerra ang isa sa mga ultimate dreams niya — yan ay ang makasakay at makapagpaandar ng motor.

Talagang kinarir ng singer-songwriter ang training sa pagmomotorsiklo dahil matagal na niya itong pangarap kahit pa nga mas malaki pa raw sa kanya ang motor na sinasakyan niya.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi niya ang good news kalakip ang short video. Dito inamin niyang inatake rin siya ng matinding kaba habang pinag-aaralan ang pagda-drive ng motor.

Aniya sa caption, “Finally! After 39 years of existence, natupad ko na ang isa sa mga ultimate dreams ko. Ang makapag motor at makasakay ng Harley!

“I had the opportunity to go to Motorclyde Training because I really want to learn the skills to ride a motorcycle that is 10x bigger than me. The fact na sumayad yung paa ko sa lupa habang nakaupo ako sa motor made me so happy!!!


“Pero siyempre, may halong kaba kasi matanda na ako at ngayon pa lang ako matututo but I have the best coaches and grabe din yung support ng mga ka batch ko and seasoned riders na nandu’n kanina,” pahayag ni Ice.

Baka Bet Mo: Carlo motor na lang daw ang laging kasama, hirit ng netizen: Kasi nga hiniwalayan ka na ni Trina!

Pagpapatuloy pa niya, “I’ve never been so happy because I am one step (maybe more but who cares) to finally achieving my childhood dream!!!”

Super thankful din ang actor-singer sa kanyang wifey na si Liza Diño sa suportang ibinibigay nito sa lahat ng mga kaganapan niya sa buhay.

“Thank you sa pinakamaganda, pinakamabait, at pinakamaunawaing asawa sa balat ng lupa kasama na ng iba pang planeta, for saying yes.

“I have a lot to learn before pa ako magkaroon ng confidence to ride on the open road but I’m just ecstatic that I’ve done the first step to make this dream come true!

“Woohoo!!!!” ang kabuuang pahayag ni Ice.

Angeline niregaluhan ng motor at kotse ang dating dyowa: OK lang naman kasi mahal ko….

Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak

Read more...