4 na magkakapatid patay matapos pagsasaksakin ng amain sa Cavite

Balita featured image

TRIGGER warning: Maaaring sensitibo ito sa ibang makakabasa, lalo na’t may banggit ng suicide sa balitang ito.

Patay ang apat na magkakapatid sa kanilang bahay sa Trece Martires City, Cavite matapos pagsasaksakin ng live-in partner ng kanilang ina na OFW.

Ang mga biktima ay tatlong babae na nasa edad 9 hanggang 14, habang ang batang lalaki ay limang taong gulang.

Base sa police report, natagpuan din sa crime scene ang mismong suspek na may alyas “Felimon” na nakahandusay sa sahig at may nakasaksak na kutsilyo sa dibdib.

Naisugod pa raw ito sa ospital, ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot.

Sabi ng mga pulis, nagtangkang magpakamatay ang suspek matapos patayin ang apat na biktima.

Ayon pa sa report, nag-iwan ng mensahe ang suspek para sa ina ng mga bata at isinulat ito sa isang dingding gamit ang dugo na nanghihingi ng tawad sa ginawa.

Ang bangkay ng suspek ay isasailalim sa autopsy upang malaman kung nasa impluwensya ba ito ng alak o ilegal na droga nang ginawa ang krimen.

Sa ngayon, selos ang tinitingnang motibo ng mga pulis.

Sinabi rin sa imbestigasyon na ang suspek ang nag-aalaga sa mga nabanggit na mga bata habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanilang ina.

Read more:

Suicide cases tumaas noong 2020, suporta sa mga estudyante hiniling ni Sen. Gatchalian

Read more...