Jennifer Lawrence magpapatawa, magpapainit sa pelikulang ‘No Hard Feelings’

Jennifer Lawrence magpapatawa, magpapainit sa pelikulang ‘No Hard Feelings’

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

BIBIDA sa bagong comedy film ang award-winning actress na si Jennifer Lawrence.

Ito ang “No Hard Feelings” mula sa direksyon ng American director na si Gene Stupnitsky.

Tila hindi nalalayo sa funny personality ni Jennifer ang kanyang ginampanang karakter sa nasabing pelikula.

Tungkol ito sa isang babae na naghahanap ng trabaho upang hindi makuha sa kanya ang childhood home.

Mapapanood sa trailer na nabigyan ng isang kakaibang trabaho si Jennifer ng isang mayamang pamilya na kung saan ay kinailangan niyang i-date ang anak nilang 19-year-old introvert bago mag-college.

Sa Hunyo pa nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula ni Jennifer, pero bumuhos na ang papurio ng fans sa inilabas na pasilip.

Narito ang mga nabasa namin sa comment section base sa Facebook page ng Columbia Pictures Philippines:

“t’s fun to see Jennifer Lawrence play a character that is closer to her real life personality [laughing emoji].”

“The story is very Jennifer Lawrence. I love it! Can’t wait to watch this movie [red heart emoji].”

“That was just the trailer.. And I’m pretty sure I already died laughing [laughing emoji]. I’m so excited for the movie! [red heart emoji].”

Related chika:

‘Suzume’ kabilang sa ‘All-Time Biggest Film’ ng Japan ngayong taon

Read more...