‘Suzume’ kabilang sa ‘All-Time Biggest Film’ ng Japan ngayong taon

‘Suzume’ kabilang sa ‘All-Time Biggest Film’ ng Japan ngayong taon

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

PARA sa mga anime lover diyan!

Gumawa ng kasaysayan sa Japan ang fantasy adventure anime film na pinamagatang “Suzume.”

Pang-15 na kasi ito sa listahan ng “All-Time Biggest Film” ng nasabing bansa matapos tumabo sa takilya at kumita ng mahigit 14 billion yen o halos P6 billion, as of March 5.

Ang nabanggit na anime film ay mula sa direksyon ng award-winning Japanese director na si Makoto Shinkai.

Para sa kaalaman ng marami, siya rin ang direktor ng ilan pa sa mga tinaguriang “highest-grossing film” gaya ng romantic fantasy anime films na “Your Name” at “Weathering With You.”

Ang istorya ng “Suzume” ay iikot sa magiging adventure ng isang 17-year-old protagonist.

Mapapanood sa official trailer na mapupunta sa iba’t-ibang lugar ng Japan ang bida sa pamamagitan ng isang mysterious door, ngunit parating may nag-aantay na iba’t-ibang sakuna sa likod ng mga pintuan.

Ang “Suzume” ay kasalukuyang palabas na rin sa mga sinehan ng Pilipinas. 

Related Chika:

Jenna Ortega naging ‘iyakin’ sa bagong horror film na ‘Scream VI’

Read more...