PINATUNAYAN ni Min Yoon-gi o mas kilala bilang si Suga, isa sa mga miyembro ng K-Pop sensation na BTS, na mayroon siyang mabuting puso.
Imbes kasi na magkaroon ng bonggang party para ipagdiwang ang kanyang ika-30th birthday ay nagbigay siya ng napakalaking halaga para sa mga mas nangangailangan.
Ayon sa Korean media outlet na Onsen, nag-donate si Suga ng ₩100 million o halos P4.1 million sa mga biktima ng lindol sa Syria at Turkey.
At ‘yan ay kinumpirma raw mismo ng nonprofit organization na Save The Children.
Magugunita noong February 6 nang tamaan ng magnitude 7.8 na lindol ang Turkey, habang nasa magnitude 7.5 na lindol naman sa Syria.
Baka Bet Mo: BTS Suga hahataw sa sariling online talk show, sasabak sa 1-on-1 inuman
Base pa sa nasabing report, malungkot na malungkot si Suga sa nangyari sa dalawang bansa at naghayag siya ng pakikiramay sa lahat ng mga naging biktima ng trahedya.
“So many children and families have been damaged by the earthquakes. I express condolences to the survivors and victims,” sey ni Suga.
Hiling niya ay magamit sa pagbili ng relief goods ang kanyang donasyon at matulungan nito ang maraming bata na apektado ng lindol.
“I hope that my donation might help the children who are suffering and hope it can be used to support relief goods for the children,” Ani ng K-Pop star.
Ayon naman sa Save The Children, ang financial assistance ng singer-songwriter ay magagamit upang makabili sila ng school supplies, mattresses, winter blankets, at iba pang basic necessities na kailangan.
Hindi ito ang unang beses na tumulong si Suga sa mga nangangailangan.
Una na siyang nag-donate sa mga batang may cancer na naka-confine sa Keimyung University Dongsan Hospital.
Related Chika:
BTS members na tinamaan ng COVID-19 nagpaalala sa mga fans: Don’t worry too much