NAGPAALAM pa talaga ang hunk actor na si Joseph Marco sa kanyang mga magulang bago tanggapin ang offer na maging endorser ng isang underwear brand.
Sa edad na 34, kinailangan pa ng binata na hingin ang blessing ng mga parents para sa nasabing endorsement na gumawa nga ng ingay kamakailan sa social media.
Pinag-usapan ng mga Marites, lalo na mga beking nagpapantasya kay Joseph ang kanyang “pabukol” at “pabakat” sa mga litratong ipinost niya sa Instagram suot ang ineendorsong brand ng briefs.
“I am really glad na pinayagan ako ng parents ko to do an underwear endorsement kasi first time ko yon. Mabuti nga, pumayag sila,” ang pahayag ng Kapamilya actor sa digital presscon ng bago niyang pelikula nitong March 8, ang “Kunwari Mahal Kita”.
Pagpapatuloy pa niya, “When it comes to rebranding, I think it’s very important to everybody.
“Hindi lang sa mga artista, even to musicians, other artists and brands itself, kailangan talaga ng rebranding. Wala naman kaming pinlano, it just happened,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Joseph Marco ginulat ang madlang pipol sa pa-‘bakat’, Rosanna Roces shookt: Nagkakasala ako nito!
Sabi ng binata, inatake siya ng anxiety at stress bago niya ibandera sa socmed ang kanyang underwear pictorial.
“To be honest, I was so stressed before I posted that. I was very anxious. Kasi I was in New Zealand at that time and I had to post it because it’s gonna be the launching of the new endorser.
“I was just happy na okay naman yung naging result,” lahad pa ng binata.
“Sana panoorin nila. Sana nakatulong para mas maging successful yung Kunwari Mahal Kita. But it doesn’t really mean just because I did an underwear shoot, I’m gonna do daring roles.
“But as long as I like the role, I like the project, then kung ano yung nire-require sa akin, I am willing to do it,” chika ng hunk actor.
Samantala, mapapanood na ang “Kunwari Mahal Kita” sa March 15, kung saan makakatambal niya si Ryza Cenon with Nathalie Hart, sa direksyon ni Roderick Lindayag mula sa Viva Films.
Related Chika:
Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life
Joseph Marco first time mag-endorse ng underwear, pinangarap na ma-billboard