Bianca Umali hindi na takot mamatay mula nang pumanaw ang ama’t ina: ‘Kasi makikita ko na sila ulit’

Bianca Umali hindi na takot mamatay mula nang pumanaw ang ama't ina: 'Kasi makikita ko na sila ulit'

Bianca Umani (Photo from Instagram)

DAHIL sa pagiging ulilang lubos ng Kapuso actress at TV host na si Bianca Umali nagbago na rin ang pananaw niya sa usaping “kamatayan.”

Five years old pa lang si Bianca nang mamatay ang kanyang nanay at makalipas ang lima pang taon, ang tatay naman niya ang namaalam.

Iginupo ng cancer ang buhay ng kanyang ina, at sakit sa puso naman ang naging dahilan ng pagkamatay ng tatay ni Bianca. Kaya naman talagang lumaki at nagdalaga siya nang walang mga magulang.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, sinabi ni Bianca na hindi lumilipas ang bawat araw na hindi niya naiisip ang kanyang mga magulang.

“Noong bata po kasi ako, wala pa naman po akong naiintindihan, so I did not know the gravity ng sitwasyon kung nasaan ako na I was losing both of my parents.

“Kapag umiiyak ang ibang tao umiiyak ako, kapag masaya ang ibang tao masaya ako,” pagbabahagi ni Bianca.


Pagpapatuloy pa niya, “Ngayon na tumatanda ako, habang lumilinaw ang pag-iisip ko at nakikita ko ang realidad ng mundo, every year that I get old, mas nagiging raw or fresh sa akin na wala akong mommy at daddy.

“Siguro nakukuha or nagagawa ko ‘yung mga bagay na dapat itinuturo sa akin, or dapat may kasama ako na gawin, but I don’t have them beside me,” lahad ng dalaga.

Sabi ng aktres palagi ring sumasagi sa isip niya na, “Sana’y nandito si mom, sana nandito si dad?” Pero agad naman niyang nilinaw na hindi ito pagbalewala sa lahat ng ginawa sa kanya ng kanyang lola.

“I actually say this a million times na talagang ‘yung buong buhay ko, ‘yung buong ako, I owe it to my lola,” sey pa ng girlfriend ni Ruru Madrid.

Baka Bet Mo: Ina ni Bianca Umali namatay sa breast cancer nu’ng 5 years old siya, inatake naman sa puso ang ama pagtuntong niya ng 10

At dahil sa maagang pagkawala ng mga magulang, totoong nagbago rin ang pananaw niya tungkol sa kamatayan.

“I used to be afraid of death. But now thinking of it that you asked me, I think it’s not scary for me to die, kasi makikita ko sila ulit. I know that they will be with me holding my hand when I go through it,” sabi ni Bianca.


Nagbigay din ng mensahe ang dalaga sa kanyang mga magulang, “I have been making it and I hope that I make you proud. Mommy and daddy, alam ko na araw-araw nakikita niyo ako, alam ko na hindi ako perpektong anak all the time but I try my best.

“I hope I make you proud, lahat ng ginagawa ko ngayon ay para sa inyo, para sa Ama at para kay mama.’ I dedicate everything to them,” sabi pa niya.

Kapag dumaraan sa mga problema at pagsubok, kumakapit pa rin siya,
“Sa Ama. I pray. I ask for strength meron po akong problema, meron po tayong problema.

“Every time I address struggles, I don’t address it as my own struggles. I address it as a struggle I will go through with him, because I know that he will be holding my hand and He has my back.

“At hindi Niya ako dadalhin sa paghihirap na ito kung hindi ko kakayanin. Proven and tested po ‘yan Tito Boy,” ang pagbabahagi pa ni Bianca Umali.

Kuya Kim 2 beses nalagay sa bingit ng kamatayan: I don’t want to die yet…Lord, ikaw na ang bahala

Regine inaming nagbago na ang boses, super thankful sa fans: You guys inspire me to try and be better

Read more...