Piolo binigyan ng ‘anak’ si Alessandra: ‘Masaya ako’t nagsilang ka ng ibon’

Piolo binigyan ng 'anak' si Alessandra: 'Masaya ako’t nagsilang ka ng ibon'

Alessandra de Rossi at Puppy

TUWANG-TUWA ang award-winning actress na si Alessandra de Rossi sa pa-surprise sa kanya ng Kapamilya actor at Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Binigyan nga ng “anak” ni Papa P si Alex na matagal na nitong hinihintay at pinapangarap.

Sa kanyang Instagram post, excited na ipinakita ni Alex ang ibong “cockatoo” na iniregalo sa kanya ni Piolo na pinangalanan niyang “Puppy.”

Kalakip ang litrato nila ng “bird” ni Papa P, ito ang caption na inilagay
“Meet PUPPY! A gift from papapi @piolo_pascual mahal kita.

“Salamat at nabigyan mo ako ng anak sa wakas! Hashtag ang ganda ganda ko!” ang nakakaloka pang hirit ni Alessandra.


Game na game namang sumagot si Piolo sa IG post ng kanyang kaibigan, “Masaya ako’t nagsilang ka ng ibon @msderossi.”

Baka Bet Mo: Alwyn nakakita ng ibon sa hinubad na sapatos; may nais nga bang ipahiwatig sa relasyon nila ni Jennica?

Bumaha naman ng nakakaaliw na komento sa IG post ni Alex at halos lahat ay nagsabing bagay na bagay sila. Sana raw ay sila na lang ang magkatuluyan. Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa post ni Alex.

“Ang puti ng bird ni Fafa Fi!”

“Uyyyy may kasama na si Kitten ahahaha!”

“How cool is that cockatoo can be super loud. And please learn more how to train and spend time with her. Good luck. Have fun.”

“Okay na sana yung caption eh may pa hashtag!”

“Nagmovie marathon ako ng movies mo. Parang dito ka lang nagpakiss sa lips.”

Suggestion naman ng iba, makagawa uli sila ng teleserye at pelikula very soon. Nagkasama na sina Alex at Piolo sa pelikulang “My Amanda” na ipinalabas noong 2021.

Coco ipinasilip ang alagang bird, pinagpiyestahan ng netizens: ‘Wow! Ang ganda naman idol!’

Alessandra gusto nang humanap ng ibang trabaho; Juancho, Joyce kinakarir ang ‘birthing class’

Read more...