Smugglaz, Bassilyo kinampihan si Coco Martin, binanatan si Rendon Labador

Smugglaz, Bassilyo kinampihan si Coco Martin, binanatan si Rendon Labador

NIRESBAKAN ng mga Pinoy rappers na sina Smugglaz at Bassilyo si Coco Martin laban sa mga patutsada ni Rendon Labador sa bida ng “FPJ’s Batang Quiapo”.

Sa Facebook post ni Rendon kung saan makikitang galit na galit ito sa Kapamilya actor ay hindi napigilan ng Pinoy rappers na depensahan ang kaibigan.

“Tol nagne-name drop ka na ah at nagsalita ng mga di maganda paalala lang din hindi kami mga Cartoons dito mga totoong tao kami sana kaya mo din s’ya sabihin nang harapan tutal malaki ka na po,” panimula ni Smugglaz.

Pagpapatuloy nito, “Pwede naman talakayin ‘yang isyu ng di ka nagbabanggit ng kung ano-ano sa tao at sa buong Batang Quiapo. Di nyo kami katulad na sa bawat isyu lagi kayo nakasabit at maingay sa socmed na kala mo mga superhero ng bansa.”

Sabi pa ni Smugglaz, wala naman daw maibigay na solusyon ang social media personality sa isyu at puro salita lang.

“Wala ka naman maibigay na solusyon gusto mo lang pasiklabin ang galit ng ibang tao at gamitin ang konting di pagkakaintdihan para sa interes mo. Kailan po ba yung sinasabi mong dadaan ka? Para maayos namin ang trapik,” hirit pa nito.

Sinagot naman ni Rendon si Smugglaz at sinabing, “Ipaglalaban ko ang mga kawawang vendors na nagsusumikap lang. Wala akong pakialam kung sino ‘yan, ang MALI AY MALI. Kung hindi ninyo maintidihan problema na ninyo yan. Kumuha kayo ng sarili ninyong STUDIO para hindi kayo makaabala. PUBLIC property ang ginagamit ninyo sa PERSONAL INTEREST ninyo.”

Baka Bet Mo: Rendon Labador kay Toni Fowler: Sana irespeto mo ‘yung future ng anak mo

Banat naman ni Bassilyo, “Pre tumigil ka na nakikiusap kami sa’yo para hindi na lumala pa itong ingay na ginagawa mo isang isa na lang… Isang labas mo pa ng video na may panghe-hate sa batang quiapo… kaya pls.. tumigil ka na kapag talagang hindi ka tumigil… ako ang titigil.”

Sina Smugglaz at Bassilyo ay parehong parte ng Kapamilya teleserye na “FPJ’s Batang Quiapo” at pawang mga kaibigan rin ni Coco.

Matapang na reply naman ni Rendon kay Bassilyo, “Alam ninyo kahit magsama-sama pa kayong lahat wala akong pakialam sa inyo. Pinaglalaban mo ang mga kawawang vendors ng Quiapo. Coco Martin, huwag kang magtago sa likod ng mga laos na rappers. Gusto ko lang maging patas ka sa mga maliit nating negosyante.”

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Coco Martin at pamunuan ng “FPJ’s Batang Quiapo” ukol sa isyu.

Related Chika:
Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

#Astig: Yorme, Smugglaz, Bassilyo bidang-bida sa ‘Nais Ko’ music video

Read more...