Resbak ni Pokwang sa epal na netizen: ‘E, yung pinakain mo na at tinuklaw ka ano tawag du’n? Hayaan na lang para may next victim ulit?’

Hugot ni Pokwang: 'E, yung pinakain mo na at tinuklaw ka ano tawag du'n? Hayaan na lang para may next victim ulit?'

Lee O’Brian at Pokwang

MUKHANG wala pang balak tumigil ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa pagpapatutsada at panglalaglag sa dati niyang live-in partner na si Lee O’Brian.

Muli na naman kasi niyang pinaringgan ang tatay ng kanyang anak na si Malia sa pamamagitan ng isang TikTok video na ipinost din niya sa Instagram.

Makikita sa IG post ni Pokwang ang matinding traffic sa EDSA. Ikinumpara ito ng komedyana sa pelikula nila ni Lee na “Edsa Woolworth” na ipinalabas noong 2015. Dito sila unang nagkakilala at naging close sa isa’t isa.

Maririnig ang boses ni Pokey sa video na nagsabing, “Buti pa sa Edsa may forever, sa Edsa Woolworth, wala. Charoz.”

Ang nakasaad sa caption ng kanyang IG video, “Yun lang hahahaaaa dito nagsimula ang salitang, USE ME IN A SENTENCE hahahahahaaa i miss you @_riccichan_ papa @stevenspohn na dinedma na ni kuya nyo matapos gumanda na kalagayan nya sa pinas haahhahaha @prinketsu direk @johndlazatin @leerobinsalazar.”


Sa comments section, may nagsabi ng, “UN Tayo eh, kapag nagmahal Ng Todo lahat gagawin natin para sknila kahit Wala work kahit palamunin kahit Wala ginagawa.

“Pero kapag nagkahiwalay na ULO HANGANG PAA BILANG NA BILANG PATI BUTIL NG BIGAS NA PINAKAIN. it’s your choice mamang sana magkaroon kna ng peace of mind Malia is amazing kid u still thankful kc u have job and healthy kids,” komento ng netizen.

Hindi naman ito pinalampas ni Pokwang at talagang bumuwelta sa netizen, “E yung pinakain mona at tinuklaw ka ano tawag don? hayaan nalang para may next victim ulit?”

“Sana wala sa mga kamag anak at kaibigan mo mabiktima ng kagaya nya huh!” hirit pa ng komedyana.

Ang komento pa ng isa niyang IG follower, “EXPOSED (laughing emoji).” Na sinagot naman ni Pokwang ng, “Hanggat di nag so sorry yan (Lee) samin ng mga anak ko wala syang katahimikan! huh!”


May nagpaalala naman sa Kapuso TV host, “(hearts emojis) …hayaan muna ang mga taong sinisiraan ka. Baka binayaran Siya ng mag bigay ng masamang comment against you. Basta love ka ng masa. Tuloy Ang Buhay pokey..still Ganda mo parin.”

Sey ni Pokey sa kanya, “Ito lang masasabi ko sa mga yan, I DONT GIVE A F%#€K Ahahahhaha!”

Baka Bet Mo:  Kris Bernal kay Pokwang: He’s just lost the best thing that has ever happened to him

Nauna rito, sinabi ni Pokwang na  inaayos na niya ang mga legal na dokumento para tuluyan nang matanggal ang apelyido ni Malia na “O’Brian” para mapalitan na ng “Subong.”

Bukod sa tinawag niyang batugan at manggagamit si Lee, hindi rin daw nito nagustuhan ang pagbubuntis niya noon sa kanilang anak.

Aniya pa, isang “inggrato Kano” raw si Lee at matatahimik lang daw siya kapag tuluyan na nitong lalayasan ang Pilipinas.

Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Read more...