WALA naman pala dapat ipag-alala ang fans sa nawalang “memories” o dating social media posts ng aktres na si Liza Soberano.
Mismong ang aktres na ang nagsabi na ito ay naka-archive lang at plano ring ibalik sa tamang panahon.
Napag-usapan ang nasabing isyu nang sumabak sa interview at “lie detector challenge” si Liza kasama ang aktres na si Bea Alonzo.
Ang tanong sa kanya ni Bea ay kung na-hack ang kanyang Instagram at YouTube accounts.
Mabilis na sagot ni Liza, “No. I did that.”
Paliwanag niya, So I’m working on rebranding my social media accounts. So I thought I wanted a fresh start to everything and so I archived all my posts.”
“I didn’t delete them, don’t worry. And I’m bringing them back eventually when I’m ready. And even on my YouTube, I enlisted everything,” chika pa niya.
“I think it’s time people see me in a different light,” ani Liza.
Kung maaalala, naging mainit ang usapin patungkol sa akala’y na-hack na IG at YouTube account ng aktres.
Bukod sa kanyang fans, inamin din ng kanyang dating talent manager na si Ogie Diaz sa isang episode nito sa “Showbiz Update” na kahit siya raw ay nanghihinayang sa pagkawala ng mga contents nito.
Sinabi pa nga niya na kung siya ang tatanungin, sana raw ay hindi na lang tinanggal ni Liza ang mga posts na nagsisilbi “memories” at “history” ng kanyang pinagdaanan.
“Ang nakarating sa atin ay hindi naman talaga na-hack ang YouTube at IG ni Liza Soberano. Parang nilinis lang. Definitely, ‘yung pina-follow niya, nawala nang lahat pero siguro ‘yung posts naka-hide na o tinanggal na niya, hindi natin alam,” saad ni Ogie.
Samantala, sa dulo ng interview with Bea ay lubos namang nagpasalamat si Liza sa mga taong patuloy pa rin siyang sinusuportahan.
“I just want to say thank you to those of my fans who stayed. I always say this because you know, a lot of people had a change of heart, especially with this whole transition that I went into and I’m just grateful for everyone who has supported me ever since and continues to support me even throughout the changes in my career,” sey niya.
Dagdag pa niya, “I hope you guys are excited for what’s in store this 20923 and I can’t wait to make you guys proud.”
Related chika:
Ano nga ba ang inamin ni Dani Barretto patungkol kay Rico Yan?