Hirit ni Barbie sa paghuhubad ni Jak at pagbibilad ng abs: ‘Bibilhan kita ng shorts ha! Kota na ‘yan, e!’

Hirit ni Barbie sa paghuhubad ni Jak at pagbibilad ng abs: 'Bibilhan kita ng shorts ha! Kota na ‘yan, e!'

Jak Roberto at Barbie Forteza

MULING nagpasabog ng kilig at good vibes ang Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa social media.

Aliw na aliw ang kanilang fans at socmed subscribers sa palitan ng mensahe ng magdyowa na nagsimula sa bagong sexy photo ni Jak na pinagpiyestahan ng mga netizens.


Bentang-benta ang pagpe-flex ni Jak ng kanyang muscled body with his 6-pack abs sa kanyang Instagram account na pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng kanyang followers.

Makikitang walang suot na damit ang boyfriend ni Barbie kaya bilad na bilad ang hubad niyang katawan at ang nagmumura niyang mga “pandesal”. Pero may suot naman siyang shorts na kulay brown.

Sa comments section, pabirong sinita ni Barbie ang Kapuso hunk, “Bibilhan kita ng shorts ha. Kota na ‘yan e!”

Hirit naman ni Jak sa kanya, “Kakalaba lang kaya yan ang nakuha.”

Umani naman ng nakakaaliw at nakakalokang comments ang palitan ng hugot line ng JakBie. Anila, nakaka-happy at nakaka-good vibes

May mga nag-suggest naman na sa susunod na proyekto ni Barbie kasama ang leading man niya sa “Maria Clara at Ibarra” na si David Licauco ay isama na rin si Jak para “magkaalaman” na.

Marco humirit sa netizen na nagsabing, ‘May anaconda sa shorts mo, bro!’

Geneva Cruz hot mama sa edad na 45; ibinunyag ang sikreto sa seksing katawan

Barbie sa pagmo-motor ni Jak: Sasabihin niya, ‘Mas madaling mag-sorry kesa magpaalam,’ kaya ginagawa niya muna tapos nagso-sorry

Read more...