Shayne Sava kinawawa sa ‘AraBella’: Hinulog ako sa dram, itinulak sa swimming pool at kung anu-ano pa’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Althea Ablan, Camille Prats at Shayne Sava
MAGPAPATALBUGAN sa aktingan ang Kapuso youngstars na sina Shayne Sava at Althea Ablan sa pinakabagong Kapuso series na “AraBella”.
Magsisimula na ito sa GMA Afternoon Prime bukas, March 6, kung saan gagampanan nina Shayne at Althea ang title role na Ara at Bella.
Huling napanood ang “StarStruck” Ultimate Female Survivor na si Shayne sa seryeng “Raising Mamay” na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas ngayon ay bidang-bida na nga siya “AraBella”.
“I’m so happy that GMA appreciates my work and they believe in my talent. I’m really thankful to them for trusting me. It makes me so highly motivated para mas lalo kong galingan ang trabaho ko rito sa ‘AraBella,” pagbabahagi ni Shayne.
Super challenging din ang character niya sa serye as Ara, “Kawawa si Ara, marami siyang pinagdaanan. She’s an orphan who was adopted by Antonio Aquitania pero napatay naman ito and another family got her na sobrang inaapi naman siya.
“Hinulog ako rito sa dram, itinulak sa swimming pool at kung anu-ano pang ginawa sa akin. Maraming mahirap na scenes but Direk Adolf Alix and Linette Zurbano help us para maitawid namin nang maayos ang bawat eksena,” sabi ng dalaga.
Napakarami rin daw niyang natutunan sa mga co-stars niya sa “AraBella” lalo na kina Camille Prats, Alfred Vargas, Wendell Ramos, Nova Villa at Ronnie Lazaro.
Kasama rin dito sina Abdul Rahman, Klea Pineda, Mitzi Josh at marami pang iba.
“Swerte kami ni Althea kasi sobrang galing ng lahat ng co-stars namin. Very giving sila. They will really help you para magawa mong mabuti ang trabaho mo, lalo si Ate Camille.
“Grabe siyang kaeksena kasi very expressive ang eyes niya. When you see her eyes, mararamdamaman mo agad ang emosyon at maiiyak ka na,” aniya pa.
“It’s fun to work with them kasi sobrang witty nila. Sa batuhan ng lines, they’re very funny. Pipigilan mo ang sarili mo para hindi ka matawa. It’s such an honor na makatrabaho ko sila.
“Off cam, si Tita Nova, andami niyang kinukuwento about her experiences in showbiz. Marami kang lessons na matutuhan sa kanila about life and work,” dugtong ni Shyane.
Kumusta naman ang muli nilang pagtatambal ni Abdul Rahman? “Okay na okay kami as this is our third time to be paired after ‘Legal Wives’, kunsaan di pa namin kilala masyado ang isa’t isa, then sa ‘Raising Mamay’ where we got to know each other better.
“Dito sa ‘AraBella’, I can say mas comfortable na kami sa isa’t isa and we’ve become good friends,” chika pa ni Shayne.