ISA sa mga uri ng contraceptives na madalas gamitin ng mga lalaki ay ang “condom.”
At alam niyo ba mga ka-bandera, noong unang panahon pa pala ‘yan naimbento at ginagamit ng mga sinaunang tao.
Imbes na gawa sa latex o rubber, ang itinuturing na pinakamatandang condom ay yari lamang sa isang manipis na tela na sinasawsaw sa olive oil.
May string pa nga ‘yan upang maitali sa bewang ng lalaki.
Ayon sa archeological discovery ng “Ancient Origins,” ang nasabing condom ay nakita sa libingan ni King Tutankhamun o King Tut sa Egypt.
Ito ay natagpuan ni archaeologist Howard Carter noong 1922.
Ayon kay Carter, mahigit 5,000 artifacts ang nadiskubre nila sa libingan ni King Tut bukod pa sa condom.
At kabilang na nga riyan ang gold, silver, ivory, alahas, armas, furnitures, at pabango na pinaniniwalaan ng Egyptians na magagamit nila sa kabilang buhay kapag isinama sa kanilang paglibing.
Sinabi rin ng archeologist na maituturing pinakamatagal at pinakamatandang condom ang kanilang nakita dahil tinatayang nasa 1350 BC pa ito nag-exist.
Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga Egyptian ay maaaring kabilang sa mga unang sibilisasyon na gumamit ng condom.
Samantala, ang condom sa sinaunang Rome ay gawa sa linen at lamang-loob ng hayop.
Ang sinaunang Intsik ay may condom na gawa sa silk paper na ibinabad sa mantika.
Gumagamit naman ang Japan ng tortoise shell o sungay ng hayop, habang ang mga Muslim at Hudyo naman noon ay naglalagay ng “tar” o katas ng sibuyas.
Related chika:
Edward Barber natagpuan ang kanyang ‘calling’ bilang Christian, naghahanda na para maging pastor
Apo Whang-od kering-keri pa ring mag-tattoo at magsayaw sa edad na 105