Yassi Pressman sa viral ‘toxic plant’ photoshoot: OK po ako at safe po ako!

Yassi Pressman sa viral ‘toxic plant’ photoshoot: OK po ako at safe po ako!

PHOTO: Instagram/@yassipressman

LUBOS  ang pasasalamat ng aktres na si Yassi Pressman sa mga taong naging concern sa kanyang latest photoshoot.

Kamakailan lang kasi ay naging usap-usapan ang kanyang recent pictorial na kung saan ay may nakapatong na malaking dahon sa kanya.

Ayon sa ilang netizens, ang nasabing halaman ay tinatawag na “badjang” at ito raw ay nakakalason.

May mga ibang nagsabi naman na makati lang daw ito kapag dumikit sa balat.

Sa isang Instagram video, tiniyak ni Yassi na maayos naman ang kanyang kalagayan at walang masamang nangyari sa kanya.

Nakwento pa niya na aware siya sa nasabing halaman dahil mayroon din daw siya nito sa kanyang bahay.

“Alam niyo, sobra akong naging thankful kasi ang dami pong naging concern po sa shoot namin,” bungad ng aktres sa video.

Sey pa niya, “I do have this plant sa bahay namin at lagi rin ako naglilinis doon sa garden. Kaya thank God. okay po ako at safe po ako. So thank you.”

“At least I know that I’ll be a bit more safer. I love you guys!,” aniya pa.

Samu’t saring komento pa rin tungkol sa halaman ang makikita sa comment section ng nasabing post.

At patuloy pa ring pinagtatalunan ng netizens kung ay nakakalason o makati sa balat.

Related chika:

Vice awang-awa kay Ion matapos mapilayan sa badminton; sinorpresa ng bagong ‘laruan’

Read more...