Taguig may ‘libreng sakay’ kasabay ng transport strike sa March 6-12

Taguig may ‘libreng sakay’ kasabay ng transport strike sa March 6-12

PHOTO: Facebook/I Love Taguig

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang lokal na pamahalaan ng Taguig City simula March 6 hanggang 12.

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, ito ay para sa commuters na maaapektuhan ng transport strike na isasagawa ng ilang grupo ng jeepney drivers sa buong Metro Manila at kalapit probinsya.

Ang libreng sakay ay magsisimula ng 5 a.m. hanggang 9 a.m., at 4 p.m. hanggang 9 p.m.

Abiso pa ng LGU, ang mga sasakyang ide-deploy ay may signages na “Libreng Sakay hatid ng City of Taguig” at may official logos ng lungsod.

Narito ang mga sumusunod na ruta ng nasabing libreng sakay:

Una na ring nagsabi ang  mga lungsod ng Valenzuela at Caloocan na magkakaroon din sila ng mga libreng sakay.

Kamakailan lang ay inanunsyo ng ilang grupo ng mga jeep na itutuloy nila ang isang linggong tigil-pasada.

‘Yan ay kahit pinalawig na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline para sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng gobyerno.

Kung maaalala, sinabi ng ilang jeepney groups na magsasagawa sila ng transport strike bilang pagtutol sa nasabing programa.

Tinatayang nasa 40,000 units ang hindi papasada sa Metro Manila simula March 6.

Read more:

Tigil-pasada ng mga jeep itutuloy mula March 6 hanggang 12

Read more...