PALABAS na sa mga lokal na sinehan ang kauna-unahang directorial film ng American actor na si Michael B. Jordan.
Ito ay may title na “Creed III,” ang “third installment” ng hit franchise na “Creed.”
Ang istorya ng nasabing pelikula ay iikot sa muling pagtatagpo ng magkababata na sina Adonis Creed at Damian Anderson na kung saan ang kanilang pagkakaibigan ay humantong sa tila paghihiganti.
At dahil diyan ay nagkasagupaan sa isang matinding boxing fight ang dalawa.
Bukod sa pagiging direktor ni Michael, siya rin mismo ang bibida sa karakter ni Adonis.
Ayon kay Michael, personal ang paggawa niya ng nasabing pelikula at lubos siyang nagpapasalamat na matagumpay niyang nabuo ang istorya nito.
“I had a clear vision of what I wanted the story to be, where I wanted the Creed family to go,” sey ng American actor.
Patuloy pa niya, “The challenge of directing helped motivate me—I wanted to see if I had what it takes to act in and direct something that had been kicking around in my head for a long time.”
“‘Creed III’ is very personal to me and, thankfully, all those things added up to the perfect situation for this movie,” aniya.
Ibinahagi rin ni Michael ang ilan sa mga aral sa buhay na kanyang ipapakita sa “Creed III” at isa na raw diyan ang pagiging mabuti sa kapwa at pagpapatawad.
“I wanted my film to reflect lessons I have learned in life. Lessons about being kind to one another, but mostly kind to ourselves. Most of us have not been taught how to do that,” saad niya.
Dagdag pa niya, “Forgiveness is the most integral part of any conflict because it is the only way to overcome what you’re up against and confronting yourself in a real way is how you move forward with healing.”
Tampok din sa pelikula sina Tessa Thompson, Jonathan Majors, Wood Harris, Florian Munteanu, Mila Kent, at Phylicia Rashad.
Related chika:
Bagong superhero film ng DC Comics na ‘Black Adam’ palabas na; Michael B. Jordan isa nang direktor
Hollywood actor Russell Crowe bibida sa horror movie, based sa true story ng isang paring exorcist