MUKHANG may bagong loveteam na aabangan ang fans!
Magtatambal kasi sa bagong proyekto ang Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Joshua Garcia.
Wala pang detalye kung ano ang pasabog ng dalawa, pero pareho na silang excited.
Sa Instagram, ibinandera ni Andrea ang litrato nila ni Joshua na nakatitig sa isa’t-isa at magkayakap.
Caption niya, “Secret’s out! I can finally share that I’ve been working with @garciajoshuae for a special project!”
“He’s an amazing actor, super hanga ako! Super excited to work with him more [wink emoji] abangan niyo ang #JoshDrea!,” dagdag pa ni ng aktres.
Parehong mga litrato ang ibinahagi din ni Joshua sa kanyang Instagram post at inihayag din niya ang kanyang pagkasabik sa proyekto.
Saad niya sa IG post, “New project comin’ up! I know you’ve all been waiting for this, kaya ito na!!”
“I’m super excited to announce my new collab partner, the one and only @Blythe!! Stay tuned for more #JoshDrea,” aniya.
Samu’t saring reaksyon naman mula sa netizens ang mababasa sa comment section ng mga post.
Narito ang komento ng ilan sa mga kinikilig sa bagong tambalan:
“Picture pa lang yan pero may chemistry na [red heart emoji] Grabe! so excited for this. You look good together.”
“Magaling sila sa aktingan. Madame lang bitter kaya go lang kayo sa Nnw project.”
Heto naman ang komento ng ilang netizens na tila hindi pa feel ang love team ng dalawa:
“‘Di bagay, parang mag kuya lang [sad face emoji] mas expose si Josh sa matured lady and si Blythe kase parang bata pa cute.”
“Parang ‘di bagay. Joshua deserves a more matured roles and more matured leading lady.”
Sa Kasalukuyan, nasa Europa si Joshua kasama ang aktres na si Gabbi Garcia para sa upcoming series na “Unbreak My Heart.”
May upcoming series din si Andrea na pinamagatang “Drag You & Me.”
Related chika:
Maris, Carlo magtatambal sa ‘How To Move On In 30 Days’ ng ABS-CBN at YouTube