Julie Anne, Rayver mas naging totohanan ang pakilig para sa fans; Kara David, Kuya Kim eeksena sa serye nina Mavy at Kyline

Julie Anne, Rayver mas naging totohanan ang pakilig para sa fans; Kara David, Kuya Kim eeksena sa serye ng MavLine

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

“ANSWERED prayer” para sa shippers ng JulieVer ang kauna-unahang pelikula nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang “The Cheating Game.”

Matagal na rin kasing hinihiling ng fans na magkaroon ng project together ang dalawang Kapuso stars outside their hosting stints sa “All-Out Sundays” at “The Clash.”

Ang “The Cheating Game” ang first ever collaboration project ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Sa panayam sa “24 Oras Weekend,” ibinahagi ni Julie na naging blessing in disguise ang pagkakaantala ng paggawa ng nasabing pelikula dahil na rin sa pandemya.

Naging daan daw kasi ito upang mas lalo pa niyang makilala si Rayver na malaking tulong sa mga scene nilang dalawa.


“Kasi, para mag-work ‘yung mga eksena talaga, you have to get to know the person. And I’ve known Rayver for quite a long-time. We’ve been really, really close,” chika ni Julie Anne.

May advance treat naman para sa sandamakmak na JulieVer fans all over the universe ang GMA Public Affairs matapos itong mag-post ng mga BTS o behins the scene photos sa kanilang shooting.

Kitang-kita ang chemistry nina Julie at Rayver sa mga litratong kinunan para sa pelikula. This year nakatakdang ipalabas ang “The Cheating Game” sa mga sinehan.

* * *

Ngayong Marso na mapapanood sa online platforms ng GMA ang digital series ng “Zero Kilometers Away” na pagbibidahan ng Sparkle Sweethearts na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Nitong Martes nga ay ipinakilala ang iba pang Kapuso personalities na makakasama ng MavLine sa digital series ng GMA Public Affairs tungkol sa online dating.


Curious na ang publiko sa mga role na gagampanan nina Kara David, Kim Atienza, Drew Arellano, Iya Arellano, Sparkada artists Caitlyn Stave, Raheel Bhyria, at Kaloy Tingcungco, TikTok sensation na si Rosmar Tan, Jerome Pamulaklakin at Gigi Locsin.

Sa BTS photos ng MavLine ay talaga namang kinilig na ang kanilang fans.

Ano pa kaya kapag napanood na nila ang bagong proyekto ng kanilang paboritong love team? Abangan ang “Zero Kilometers Away” na mapapanood na ngayong buwan.

Julie Anne dedma sa pasabog ni Alden na muntik na silang maging magdyowa, JulieVer best talent search program host sa Star Awards

Promise ni Mavy Legaspi kay Kyline Alcantara: ‘No matter what you decide, I will never leave your side’

Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Read more...