Boy Abunda dismayado sa rebelasyon ni Liza Soberano: ‘Masakit, lalo na para sa aming mga manager’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Liza Soberano at Boy Abunda
“DISAPPOINTED” ang King of Talk na si Boy Abunda sa mga hinaing at reklamo ni Liza o Hope Soberano na inilabas sa kontrobersyal niyang YouTube vlog na “This is Me”.
Sa kauna-unahang content ng YouTube channel ng aktres ay mapapanood ang detalyadong paliwanag niya kung bakit siya nagdesisyong iwan ang Star Magic at si Ogie Diaz para maging talent ng Careless Music ni James Reid.
Ayon sa girlfriend ni Enrique Gil, sa wakas ay nagagawa na niya ang mga bagay na ipinagkait sa kanya noong nakakontrata pa siya sa ABS-CBN.
Mula raw kasi noong 16 years old siya ay palagi na lang siyang dinidiktahan patungkol sa kanyang showbiz career at wala raw siyang magawa dahil yun nga ang gusto ng mga taong nasa paligid niya.
Matapos ngang lumabas ang kanyang vlog ay sunud-sunod na pambabatikos at pangnenega ang nararanasan ngayon ni Liza dahil sa kawalan umano ng utang na loob sa mga taong naging daan para magtagumpay siya.
Nagsalita na rin ang dati niyang manager na si Ogie Diaz na inisa-isa pa kung bakit dapat maging grateful ang aktres sa kanyang buhay at sa lahat ng nakasama niya sa kanyang journey.
Kahapon, February 28, sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nagsalita na rin ang host at talent manager na si Boy Abunda tungkol sa pasabog na rebelasyon ni Liza.
“Marami po akong gustong sabihin. Disappointed po ako doon sa vlog, I’m not disgusted but I am extremely disappointed with the vlog.
“Saan po ang pinanggagalingan ko? Let me talk as a manager. Gusto kong magsalita bilang manager.
“May karapatan ba si Liza Soberano magbago ng management? May karapatan ba si Liza Soberano na magbahagi ng kanyang nararamdaman? May karapatan ba si Liza Soberano na hawakan na ang kanyang karera?
“Ang kasagutan po sa lahat ng iyon ay oo. She has the right to do what she’s doing,” ang diretsahang pahayag ni Tito Boy.
Patuloy pa niya, “Saan ako na-disappoint? Bilang manager at bilang fan, let me talk first as a manager, kasi po may mga complaint siya doon na, ‘I had no voice, wala akong kinalaman, hindi ako tinatanong ng nangyayari sa aking karera, na I was working with three directors na paulit-ulit.’
“Masakit pakinggan, kasi you are working with three best directors in this country. At bilang tagahanga, parang ang gusto kong sabihin, Liza ang hinangaan namin, hindi ikaw yon.
“For the last 13 years, yung hinangaan namin, hindi si Liza yun. Because you were saying in your vlog na, I had no say kung anong material, kung anong sasabihin ko, I don’t know the intent, I don’t know where she wants go.
“Kung rebranding lang ito at redirection, medyo masakit, lalo na para sa aming mga managers,” mariin pang sabi ng Kapuso TV host.
Dagdag pa ni Tito Boy, nagsasalita siya hindi para hiyain o batikusin si Liza, kundi para ipaalala sa dalaga kung paano at saan siya nagsimula at kung bakit nagtagumpay siya sa kanyang career.
“You can proceed with your career, you can redirect your career, pero sana you can journey in gratitude.
“Sana baon mo ang pagpapasalamat sa lahat ng mga nangyari at sa mga taong dumaan sa buhay mo at nakasama mo.
“Because you are where you are today, dahil sa mga taong tumulong sa iyo.
“Liza, lahat ng nangyari sa iyo, nothing is ever wasted. Lahat yan, magiging point of references mo. Do not disregard your past. Do not disregard the thirteen years na minahal ka ng fans mo.
“Do not disregard the hard work that your managers put into who you are today,” sabi pa ng TV host.
Mensahe pa niya sa aktres, “You know, Liza, I love her. I love you, if you’re watching this, proceed with your career, whenever you want to go, in gratitude.
“You know what you should do, say thank you, because gratitude opens your heart and your life to more blessings,” payo pa ni Tito Boy kay Liza Soberano.