Pia Wurtzbach goodbye muna sa pagsali sa marathon para sa bonggang wedding nila ni Jeremy Jauncey

Pia Wurtzbach goodbye muna sa pagsali sa marathon para sa bonggang wedding nila ni Jeremy Jauncey

Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach

MAHIRAP at masakit man para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, nagdesisyon siyang itigil muna ang pagte-training para sa sasalihan sana niyang marathon ngayong 2023.

Ito’y para makapag-concentrate siya sa paghahanda sa bonggang kasal nila ng kanyang fiancé na si Jeremy Jauncey na inaasahang magaganap na raw this year.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Pia ang mga kaganapan ngayon sa kanyang personal at professional life, pati na rin sa estado ng ginagawa niyang preparasyon para sa wedding nila ni Jeremy.

Nasa London pa rin ang aktres at TV host at ine-enjoy ang kanyang life, base sa mga latest posts niya sa Instagram na inilarawan pa niyang, “a wellness break for a few weeks to check up on ME.”

Pagpapatuloy pa ni Queen P,  “As you know, I’m getting married soon!” na siyang dahilan kung bakit kailangan muna niyang isantabi ang ilang plano niya ngayong 2023, kabilang na ang sasalihang London Marathon sa darating na April.


“I contemplated for a looong time and I really wanted to do it this year because I was doing it for such a good cause, @smiletrainph, and I didn’t want to let anyone down,” ang sabi pa ni Pia.

“I know marathon training and wedding planning will be a stressful combo,” dugtong pa niya. Ang unang race na sinalihan niya ay ang New York City Marathon 2022.

Sabi ni Pia, kailangang maglaan siya ng anim na oras kada araw para sa training sa marathon kaya kahit masakit sa kanya ang talikuran ito pansamantala naniniwala siyang ito ang tamang desisyon.

“There will be many more Marathons and getting married is something I wanna focus on first and enjoy preparing for the wedding stress-free,” sabi pa ng aktres.

Wala namang nabanggit si Pia tungkol sa eksaktong petsa at venue ng magiging wedding nila ni Jeremy.

Vice Ganda super proud sa pagsali sa marathon ni Ion Perez: ‘Supportive wifey yarn!?’

Anne Curtis sumabak sa marathon sa Japan para makatulong sa mga inabusong kabataan

Pia Wurtzbach nilinaw ang chikang magiging judge si Jeremy Jauncey sa Miss Universe PH 2022

Read more...