Arjo nahe-hurt kapag may mga nangnenega kay Maine: ‘Fiancée ko siya…I feel insulted for her’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Arjo Atayde at Maine Mendoza
IPINAGTANGGOL ni Quezon City District 1 Rep. Arjo Atayde ang kanyang fiancée na si Maine Mendoza sa mga nangnenega at namba-bash dito dahil sa isang viral tweet laban sa dalaga.
Naging hot topic kamakailan ang ipinost sa Twitter ng isang sales representative sa isang retail store sa Singapore na walang patunanggang tumawag kay Maine ng “suplada sa personal.”
Matapang naman siyang sinagot ng TV host-actress at sinabihan naman niyang “bastos” at feeling “entitled” ang nasabing empleyado kaya sana raw ay tinarayan na niya ito talaga.
Maraming nagtanggol kay Maine at talagang kinuyog ng kanyang supporters at social media followers ang nasabing retail shop employee.
Dumepensa naman si Arjo sa akusasyong suplada si Maine at inaming nahe-hurt siya kapag may mga nagpo-post ng masasakit at malilisyosong salita laban sa dalaga.
“They took it the wrong way. I feel bad. Obviously, if it’s Maine, I’m affected. She’s my fiancée, I’ll really be affected.
“But they don’t know her. She really means well to everyone. She’s really such a kind person,” sabi ni Arjo sa isang panayam.
“If some things happened like that, of course, maaapektuhan ka. Definitely I will defend her. I feel insulted for her and I will feel bad if someone did that to her.
“But obviously, all I can do is just be there for her kasi, anyway, at the end of the day, I know she didn’t mean anything bad to anyone and she will not mean anything bad to anyone,” dagdag pa ng kongresista.
* * *
Ibinahagi ng “Idol Philippines Season 1” second runner-up na si Lucas Garcia ang kanyang personal na karanasan sa pag-ibig sa heartbreaking single na “Kapatawaran.”
“This song is about letting go of someone not because he or she did you wrong, but because you are simply not ready. It’s like having the right love at the wrong time. It is filled with sadness and sorrow,” ani Lucas.
Aniya, ibinuhos niya ang sakit ng kanyang damdamin sa “Kapatawaran” pagkatapos niyang mahiwalay sa kanyang ex-partner. “Kwento ito kung paano kami naghiwalay ng ex-partner ko.”
Si Star Pop label head Rox Santos naman ang nagprodyus ng bagong awitin.
Pagkatapos ng kanyang “Idol PH” journey, naging bahagi si Lucas ng vocal trio na “iDolls” kasam sina Matty Juniosa at Enzo Almario.
Huling napanood ang trio sa ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar” kung saan nasungkit nila ang ikaapat na pwesto. Bilang solo artist, inilabas na rin ni Lucas ang iba’t ibang awitin tulad ng “Pinaasa,” “Tinatapos Ko Na,” at “San Na Ba.”
Damhin ang mensahe ng “Kapatawaran” na napapakinggan sa iba’t ibang digital platforms at panoorin ang visualizer nito sa YouTube.