Hirit ni Megan Young kapag nagloko si Mikael Daez: ‘If ever na mag-cheat, goodbye na!’

Hirit ni Megan Young kapag nagloko si Mikael Daez: 'If ever na mag-cheat, goodbye na!'

Megan Young at Mikael Daez

KUNG sakaling magloko, magtaksil at magkaroon ng other woman si Mikael Daez, “goodbye” daw agad ang drama ng kanyang wifey na si Megan Young.

Sabay na sumalang sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang Kapuso celebrity couple kahapon, February 27 at game na game na sinagot ang mga maiintrigang tanong ni Tito Boy.

Siyempre, isa sa mga napag-usapan sa nasabing episode ng “FTWBA” ay ang married life nina Megan at Mikael na halos apat na taon na ngayong nagsasama bilang mag-asawa.

Ang tanong ni Tito Boy sa dalawa, “Halimbawa 13 years in the relationship, 10 years and then three years in marriage, nu’ng umpisa ba kasi I’m watching you now kayo ba ay ‘yung dalawang tao na ito ang aking non-negotiables. Ito ang non-negotiables ko from the very beginning of the relationship?”

Unang sumagot ang Kapuso actress at dating beauty queen, “My non-negotiable is no cheating. If ever na mag-cheat ka then wala na ‘yung relationship.”


Sundot na question ni Tito Boy, “Kapag nag-cheat si Fofo (Mikael), goodbye?”

“Goodbye! Parang ‘yun ‘yung non-negotiable ko pero I mean I haven’t thought about our non-negotiable for a very long time,” sey ni Megan.

Para naman kay Mikael ang kanyang “non-negotiable” ay, “I think semantics ‘to na Megan ‘yung non-negotiable is a strong word for you I’m sure.

“For me, non-negotiable it’s a core of our relationship. Parang ‘yun yung foundation, na this is where our relationship is built,” katwiran ng aktor.

Pagpapatuloy pa niya, “Para sa akin ang non-negotiable two things lang ‘yun. First, complete honesty, very similar to what you said open communication, absolute complete honesty and it doesn’t have to be instant but we also have to continue to build towards that.

“‘Yung pangalawa doon, is you (Megan) need to be able to take care of yourself,” dugtong pa ni Mikael.


Pero mapapatawad at mabibigyan pa ba niya ng second chance si Mikael kung umamin naman ito sa nagawang kasalanan.

Sey ni Megan, “No, kasi paano nangyari in the first place? Parang marami bang instances bago ka nag-cheat perse that lead up to that. So sa una pa lang hindi siya naging honest, so na-break na ‘yung pinaka-core which is ‘yung honesty.

“Yes naging honest at that point na nag-confess ka pero bago pa ‘yun, dishonest ka,” dagdag pa niya.

Depensa pa ni Mikael, normal lang naman daw sa mga tao ang magkamali, “We are humans so we make mistakes but we need to be able to accept the consequences and minsan masakit ‘yung consequences but at the end of the day, life goes on.

“Para sa akin sometimes there are consequences na sobrang sakit dala mo habang-buhay.

“So para sa akin I’m ready, If I make a mistake and there’s a consequence that I have to bear for the rest of my life then so be it, life has to go on,” lahad pa ng aktor.

Megan Young, Mikael Daez sa pagkakaroon ng mga anak: That’s not a problem with us

Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy

Mikael, Megan inilabas ang naipong energy makalipas ang 2 taon: We’re super duper excited!

Read more...