Hugot ni Ogie Diaz bilang talent manager: ‘Apakahirap! Para kang buntis!’

Hugot ni Ogie Diaz bilang talent manager: 'Apakahirap! Para kang buntis!'

Ogie Diaz

ALA-UNA ng madaling araw ay nag-post si Ogie Diaz sa kanyang Facebook account tungkol sa pagiging talent manager.

Akala raw ng lahat ay madali lang ang trabaho o propesyong ito kaya naman inisa-isa niya kung anu-ano ang papel ng manager sa isang talent.

Simula niya, “Akala n’yo, madaling mag-manage ng talents? Ay, hindi po. Apakahirap. Para kang buntis. Binubuo mo pa lang sa iyong sinapupunan, iniisip mo na ang future niya.

“Hindi ka lang basta manager – nanay, tatay, kapatid, kaibigan ka din nila. Ibig sabihin, pati personal nilang buhay, kailangan mong gabayan – nang walang komisyon. Nang labas na sa trabaho mo bilang talent manager.

“Pag napapa-trouble sila sa labas, kailangan ka nila. Di pwedeng di mo sila samahan kahit wala ka namang kinalaman. Pag nasasangkot sila sa isyu na sila rin ang may gawa, dahil manager ka, troubleshooter ka din,” pagsisimula ni Ogie.

Aniya pa, “Akala ng ibang mga mema, kuha lang nang kuha ng komisyon ang talent manager.


“Hoy, ano’ng feeling nyo? Kakakilala ko lang sa talent ngayon, gusto nyo, sikat na siya next week? Gusto nyo, pag-iri ko sa sanggol ngayon, Grade 6 na siya next week?

“Eh, kung ganun pala gusto n’yo at marunong pa kayo sa manager, ba’t hindi kayo ang mag-manage? Ang dami nyo palang alam, eh (smiling face emoji),” dagdag pa niya.

Muling binalikan ni Ogie ang kanyang humble beginnings, kung paano siya nagsimula at sinu-sino ang hiningan niya ng tulong noon.

“Since 1986 pa ako sa showbiz. Mula sa pagiging alalay ko kay Ate Cristy Fermin (na by the way, kahit saan ako magpunta, lagi kong ipinagpapasalamat na kung hindi niya ako pinagkatiwalaan ay hindi ko naman mararating ang kung anuman ako ngayon, sabihin pa ng iba na magkasalungat pa kung minsan ang mga stand (paniniwala) namin sa mga isyu — wala naman kaming pakialam ni Ate Cristy) hanggang sa maging manunulat ako, editor ng ilang magazines, natutong umarte, naging field reporter, radio anchor, segment host na eventually naging talk show host at naging talent manager at ngayon ay nasa vlogging na rin.

“Binanggit ko na lahat yung pinagdaanan ko kasi gusto kong sabihin sa inyo na hindi ko naman overnight na-achieve ang goal ko in life. Pinatibay din ako ng mga trabahong pinasok ko.

“Yun ang humubog sa akin, kaya very grateful ako sa mga taong naging bahagi ng success ko,” litanya ng vlogger.

At higit sa lahat, hindi nakalimutan ni Ogie ang network na nagtiwala rin sa kanya bilang artista at TV host.

“Bukod kay Ate Cristy, gusto kong pasalamatan ang mga kaibigan ko sa industriyang ito na tumulong sa akin (di ko na kayo iisa-isahin, baka me makalimutan pa ako), ang ABS-CBN na anytime gusto kong magka-show, magma-magic lang si Tita Cory Vidanes, the following week, me tatawag nang EP sa akin.

“Higit sa lahat, ‘wag nating kalimutan pasalamatan ang Diyos kasi sa Kanya galing ang mga blessings.

“Gratitude and humility, dapat meron ang isang tao para tuloy-tuloy lang ang blessings,” ani Ogie Diaz.

Very well said, Ogie!

Long Mejia maraming dapat baguhin pag nagpa-manage kay Ogie Diaz: Anong gusto mo mala-Alden Richards?

Ogie Diaz out na bilang manager ni Liza, walang sama ng loob: ‘Yung utang na loob ko sa batang yan ay napakalaki

Talent manager, nagbago na; nagmamaganda dahil may alagang beauty queen

Read more...