Pokwang tinawag na ‘ingratong Kano’ si Lee O’Brian: ‘Ang magbigay ng project diyan ay tagasuporta ng mga inutil na ama!’

Pokwang tinawag na 'ingratong Kano' si Lee O'Brian: 'Ang magbigay ng project diyan ay tagasuporta ng mga inutil na ama!'

Pokwang at Lee O’Brian

GALIT na galit pa rin at halos isumpa na ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa kanyang ex-partner at American actor na si Lee O’Brian.

Matatalim at maaanghang ang mga bagong tirada ng komedyana laban sa tatay ng kanyang anak na na si Malia matapos sagutin ang ilang mensahe ng kanyang mga tagasuporta.

Muling nabanggit ni Pokey ang sama ng loob niya sa dating dyowa dahil sa comment ng isang netizen tungkol sa kanyang anak sa unang partner na si Mae.

Sa kanyang Twitter account, ipinost ni Pokwang ang screenshot ng komento ng netizen tungkol sa naging simula ng relasyon nila ni Lee na napanood daw nito sa dating programa ni Kris Aquino sa ABS-CBN.

“Nakakaiyak Naman. Naalala ko tuloy yong message ni Mae sa KrisTV ba yon dati? Bago pa lang kayo ni ex mo noon.

“Sabi ni Mae, pls take good care of my mom. Because she’s all that I have. (crying emoji). Kakatouch.


“Simple ng mensahe pero lakas ng impact. Naluha nga ako eh. Kasi ako lumaki din po na walang tatay. (sad emoji),” ang mensahe ng netizen.

Sa naging sagot ni Pokwang, diretsahan niyang tinawag na “inggratong Kano” si Lee na never daw nag-sorry sa kanya pagkatapos ng ilang taon nilang pinagsamahan nila.

“Tapos sasabihin nitong inggratong kano na ito saan sya banda dapat mag sorry sakin?

“Dito! Mag sorry ka sa anak ko dahil tinanggap ka nya at niyakap kahit sa loob ng halos 17 years sanay sya na walang kaagaw sakin maging masaya lang ako tinanggap ka nya!” matapang na sabi ni Pokwang.

May isa namang netizen ang nagpayo sa kanya na, “Naku, tama na pokie. Wag mo na siyang pasikatin, baka magka-project pa si kano.”

Kasunod nito, may tila pagbabanta naman si Pokwang sa lahat ng mga nagbabalak bigyan ng project si Lee, “Ang nagbibigay o magbigay ng project sa kano nayan na wala naman child support e mga taga supporta ng inutil na ama!

“Dapat wag suportahan! ipang de date lang nila ng babae nya hahahahahaha!” hirit pa ng komedyana.

Sa isang post, sinabi ni Pokwang na anim na taon din niyang palamunin si Lee at simula raw nang isilang ang anak nilang si Malia ay never itong nagbigay ng financial support.

Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Read more...