QC naglunsad ng ‘online payment’ para sa traffic, ordinance violation

Balita featured image

PWEDE nang magbayad sa online ang mga may traffic at ordinance violation sa Quezon City.

Imbes kasi na pumunta sa City Hall at pumila, inilunsad na ng nasabing lungsod ng online system na tinatawag nilang “Ordinance Violation Receipt (OVR).”

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, mas mabilis at mas madali nang makakapagbayad ang mga may paglabag sa lungsod.

“Ngayon, wala nang pwedeng idahilan ang mga violator na hindi sila makapagbayad ng multa dahil wala silang panahong magpunta ng personal sa City Hall,” sey ng alkalde.

Pumunta lamang sa website na ito: https://qceservices.quezoncity.gov.ph upang makapag-register sa OVR.

Ang pagbabayad ay pwede sa pamamagitan ng GCash, Maya at PayGate, o kaya naman ay sa kahit na anong branch ng Landbank.

“Once the manual payment is complete, they may send the photo of the order of payment and validated deposit slip to misctaxpayment.cto@quezoncity.gov.ph to have their transaction recorded and marked as paid,” saad ng lokal na pamahalaan.

Ang mga traffic violator ay pwedeng makakuha ng official receipt sa Traffic and Transport Management Office-QC OVR Redemption Center.

Habang ang city ordinance violators ay pwedeng mag-claim ng kanilang resibo sa Department of Public Order and Safety (DPOS) Office-Information/Receiving Counter.

Read more:

Nursing graduate mula sa La Union hindi pinagmartsa kahit bayad sa graduation fee

Read more...