Sharon Cuneta natakot nang halos umabot sa 250 pounds: I felt a lot of guilt

Sharon Cuneta natakot nang halos umabot sa 250 pounds: I felt a lot of guilt
MARAMI ang curious patungkol sa naging fitness journey ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta dahil sa magandang pangangatawan.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz, natanong siya ng talent manager patungkol sa naging sikreto nito o mga ginagawa kaya ito pumayat.

“Bawas lang,” diretsahang sagot ni Sharon.

Chika pa niya, “Natuto ako na magbawas so it’s gradual… pero inumpisahan ko ito noong birthday ko noong January 2016. Sabi ko ‘it’s for my health’… para naman abutan ko at makipagtakbuhan pa ako sa mga apo ko.”

Kuwento pa ni Sharon, marami pa raw ang umaasa sa kanya kaya hindi siya puwedeng magkasakit o magka-heart attack.

Sobrang taas daw ng blood pressure niya noon kaya naman nakaramdam siya ng takot kaya dinahan-dahan niya ang pagda-diet.

Lahad pa ni Sharon, “Kapag nasanay ‘yung tiyan mo na ganit kapuno, mahihirapan ka mag-diet so the minute na tiniis mo yung binawasan mo tapos naghahanap p ang tiyan mo, tapos pag nasanay na siya sa nag-shrink siya, huwag mo nang pabayaan… disipilinahin mo na ang sarili mo.”

Pag-amin niya, dumating raw siya sa puntong natakot na siya sa kanyang timbang.

“Alam mo pare I was about, ngayon ko lang sasabihin ah. Siguro konti na lang aabot na ako ng 250 pounds. That’s the truth. Hindi naman 250 pero alam kong malapit na dun eh,” pagbabahagi ni Sharon.

Dagdag pa niya, “So natakot na ako. Parang iba na ‘to. Parang karumal-dumal na ‘to. Ayoko na kasi health ‘yung priority.”

[Sharon IG]

Bukod raw kasi sa isa siyang artista at nakakahiyang lumabas sa TV, hindi na rin niya nasusuot ang mga gusto niyang damit.

Sey ni Sharon, “Tapos ‘yung pagkakakilala nila sa’yo kaya ka nila minahal. Kaya ka nila naging idolo kasi aspirational e, ‘di ba? “Parang I failed my Sharonians so I felt a lot of guilt. After all the gifts that God and my fans gave me.

“After my health, ‘yun ang kasunod. So talagang dinibdib ko lahat ‘yun. Sabi ko, I’ll start now. And I never stopped.”

Sa ngayon ay nabawasan na raw siya ng 70-90 lbs buhat nang simulan niya ang pagpapapayat.

Related Chika:
Sharon Cuneta nagtataka kung bakit hindi ‘minumulto’ ng mga magulang: Hindi naman ako matatakot…

Joseph Marco hinding-hindi makakalimutan si Sharon Cuneta: I will carry this beautiful experience for the rest of my life

Sharon Cuneta dinedma daw ng ABS-CBN young artists: Parang ‘yung dinaanan nila poste lang

Sharon Cuneta never ginustong hindi sumikat si KC: Kung mayroon mang naglagay no’n sa utak niya, patawarin ka ng Diyos

Read more...